Hindi nagpahuli sa pagsagot si Lie Reposposa, dating Pinoy Big Brother housemate, matapos maglabas ng matapang ngunit makahulugang pahayag sa social media laban sa isang Facebook post na tila minamaliit at hinuhusgahan siya.
Sa kanyang post, nagsimula si Lie sa pagbibiro, ngunit agad ding pinaalalahanan ang publiko na hindi basehan ang relasyon sa dayuhan para umangat sa buhay.
“Hindi ko na sana papatulan 'to, pero bored ako. FYI: Hindi Kano ang sagot sa kahirapan. Kahit alien pa jowain mo, kung wala kang diskarte sa buhay, broke ka pa rin. Bisaya man o Tagalog, pareho lang tayong Pilipino magkaiba lang, 'yung iba may manners, 'yung iba may WiFi pero walang respeto.” - Lie Reposposa
Marami ang natawa ngunit naka-relate sa mensahe ni Lie, na aniya’y repleksyon ng realidad sa buhay. Dagdag pa niya, ang tagumpay ay hindi nakukuha sa pamamagitan ng relasyon o koneksyon, kundi sa sipag, tiyaga, at diskarte sa buhay.
Ang kanyang pahayag ay agad na nag-viral, at marami sa mga tagasubaybay niya ang sumang-ayon sa kanyang pananaw. Marami ang nagsabing tama ang kanyang punto na sa halip na magbatuhan ng pangungutya sa social media, dapat ay magkaisa at magtulungan bilang iisang lahi.
Ang matapang na pahayag ni Lie Reposposa ay nagsilbing paalala sa mga Pilipino na ang pag-unlad ay hindi nakukuha sa panlabas na anyo, sa piniling kapareha, o sa estado ng buhay, kundi sa sariling determinasyon at disiplina.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento