Isang Filipino international fashion designer, si Mitch Desunia, ang nakaranas ng bangungot sa gitna ng kanyang pinakahihintay na sandali sa Paris Fashion Week. Ayon sa ulat, hindi siya nakapagpakita ng kanyang couture collection sa Hitech Moda event matapos mawala at ma-delay ng Saudia Airlines ang kanyang bagahe na naglalaman ng lahat ng kanyang mga gown, accessories, at presentation materials.
Ayon kay Desunia, ilang buwan ang ginugol niya sa paghahanda para sa event. Ngunit sa kanyang pagdating sa Charles de Gaulle Airport, natuklasan niyang nawala ang kanyang mga bagahe. Agad siyang nagsumite ng lost baggage report at nakipag-ugnayan sa Saudia Airlines’ Baggage Claims Department, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na tugon o aksyon.
“Months of preparation and years of dreams were inside that suitcase,” sabi ni Desunia.
“Each gown represented stories of resilience, craftsmanship, and Filipino excellence. But because of one airline’s negligence, that voice was silenced on one of the world’s most important stages.”
“I missed a lot of opportunities and got stuck in my accommodation. I couldn’t attend other shows or meetings because even my outfits my own creations were in that luggage,” dagdag pa niya.
Ngayon, habang nananatili pa siya sa Paris bago umuwi ng Manila, pinayuhan siyang kunin ang bagahe sa lost and found section bago mag-check-in sa kanyang return flight. Ngunit panibagong problema ito dahil ilan sa mga gown ay para sa mga kliyente sa Paris, at kung iuuwi niya pabalik sa Pilipinas, kailangan niyang magbayad ng karagdagang baggage fees.
Ang kwento ni Mitch Desunia ay higit pa sa pagkawala ng isang koleksyon, ito ay larawan ng katatagan ng Pilipinong artist. Sa gitna ng pagkabigo, pinili niyang tumindig at gawing inspirasyon ang sakit. Ang kanyang karanasan ay paalala sa lahat ng Pilipino na ang tunay na karangyaan ay nasa puso at sa kakayahang bumangon muli.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento