Advertisement

Responsive Advertisement

"BUKSAN SA PUBLIKO ANG IMBESTIGASYON NG ICI" AGOT ISIDRO, WALANG TAKOT HINAMON ANG MARCOS ADMINISTRATION

Lunes, Oktubre 13, 2025

 



Muling naglabas ng matapang na pahayag si Agot Isidro kaugnay ng kontrobersyal na flood control project investigation na isinasagawa ngayon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.


Ayon sa aktres, dapat maging bukas sa publiko ang imbestigasyon upang masiguro ang transparency at accountability ng mga sangkot. Nanawagan siya sa pamahalaan na huwag itago ang mga dokumento at ebidensya at hayaang makilahok ang media sa mga talakayan.


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Agot:

“Dapat yung ICI, ibukas ang talakayan sa publiko. Yung mga documents at ebidensya, ilabas. Kung may meeting, payagan ang media na mag-cover. We demand transparency. We demand inclusivity. Pera namin yang ginagastos nyo. Bakit tinatago sa amin?”


Dagdag pa niya, hindi dapat nanonood lamang ang taumbayan habang ang mga nasa posisyon ay nag-aaway o nagtuturohan, lalo na’t pera ng bayan ang nakataya sa proyekto.


“Sila sila na nag-aaway. Tayo, mga audience lang? Ganun na lang? Dapat may say tayo sa mga nangyayari. Dapat parte tayo ng mga imbestigasyon, bilang tayo naman nagpapasweldo sa kanila.”


Ang panawagan ni Agot Isidro ay hindi lamang opinyon ng isang artista, ito ay tinig ng mamamayang naghahanap ng katotohanan at hustisya. Sa panahon kung saan maraming proyekto ng gobyerno ang nababalot ng kontrobersiya, ang pagbubukas ng mga imbestigasyon sa publiko ay isang hakbang tungo sa tiwala at pananagutan.


Tama ang sinabi ni Agot: “Pera namin yan.” Bilang mga nagbabayad ng buwis, may karapatan ang bawat Pilipino na malaman kung saan napupunta ang kanilang pinaghihirapang pera at kung sino ang dapat managot kung may anomalya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento