Ipinahayag ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga na magsasagawa sila ng araw-araw na kilos-protesta laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, bilang panawagan para sa transparency, accountability, at tunay na reporma sa pamahalaan.
Ayon kay Barzaga, ang mga protesta ay isasagawa sa iba’t ibang lugar nang walang paunang anunsyo, upang manatiling masigla at mapanatili ang diwa ng pagkakaisa ng taumbayan.
“Everyday. Pero yung bukas, yung next day surprise, hindi ko sasabihin… It’s just surprise and sila na bahala,” ani Barzaga.
“Para sa akin lang, we have to protect the interests of the Filipino people over the interests of corrupt politicians,” aniya.
“If we do not show that there is chaos and there is corruption within our system, then there will be no change.”
Sa mga nauna niyang pahayag sa social media, hinikayat ni Barzaga ang publiko na “dalhin ang galit ng taumbayan sa mismong pintuan ng mga tiwaling opisyal”, isang matapang na mensahe na kumakatawan sa kanyang panawagan para sa malinis na pamahalaan.
Dagdag pa ng kongresista, hindi lamang ito simpleng kilos-protesta kundi isang simbolikong pagkilos ng mamamayan laban sa sistematikong katiwalian sa bansa.
Ang anunsyo ni Rep. Kiko Barzaga ng araw-araw na kilos-protesta laban sa katiwalian ay isang malakas na pahayag ng paninindigan at tapang. Sa panahong maraming Pilipino ang pagod na sa paulit-ulit na isyu ng korapsyon, ang kanyang hakbang ay paalala na ang pagbabago ay nagsisimula sa pagkilos ng mamamayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento