Advertisement

Responsive Advertisement

SEN. JOEL VILLANUEVA, HANDANG HARAPIN ANG IMBESTIGASYON NG MARCOS ADMINISTRATION: “I HAVE NOTHING TO HIDE”

Martes, Setyembre 23, 2025

 



Matapang na nagbigay ng pahayag si Senator Joel Villanueva matapos siyang mabanggit ni dating DPWH district engineer Henry Alcantara sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes, Setyembre 23, kaugnay ng kontrobersyal na flood control projects na umano’y may anomalya.


Sa kanyang talumpati sa plenary session ng Senado, mariing itinanggi ni Villanueva ang mga paratang at iginiit na bukas siya sa anumang imbestigasyon.


“I am fully prepared to be investigated on these allegations. I have nothing to hide, and I welcome any inquiry that will welcome the truth. I am ready and my office is ready to be investigated that the truth may come out,” ani Villanueva.


"Nakahanda po akong humarap saan mang forum o imbestigasyon upang linisin ang aking pangalan. Wala po akong itinatago at buo ang tiwala ko na mananaig ang katotohanan." dagdag pa nito


Dagdag pa niya, tulad ng kanyang pagdalo sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), handa rin siyang humarap sa anumang forum o institusyon upang ipakita na ang mga ibinabatong akusasyon ay “malisyoso, mali, at pawang kasinungalingan lamang.”


Maraming netizens ang nagbigay ng kanya-kanyang reaksyon: ang ilan ay sumuporta sa senador at naniniwalang dapat siyang bigyan ng pagkakataong linisin ang kanyang pangalan, habang may ilan ding nanawagan na seryosohin ang lahat ng isinasangkot na opisyal sa nasabing kontrobersya.


Sa kabila ng mga batikos, nanindigan si Villanueva na hindi siya natatakot dahil tiwala siya na mananaig ang katotohanan.


Sa gitna ng mainit na isyu ng flood control projects na iniimbestigahan ng Senado, nanindigan si Senator Joel Villanueva na wala siyang itinatago at handa siyang harapin ang anumang imbestigasyon. Para sa kanya, ito ang tamang hakbang upang mapatunayang walang basehan ang mga paratang at upang maipakita sa taumbayan na ang paglilingkod sa publiko ay dapat nakaugat sa katotohanan at integridad.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento