Sa isang makabagbag-damdaming pahayag, ipinunto ng content creator na si Malupiton ang isang realidad na ramdam ng maraming Pilipino: kadalasan, mas nakakatanggap tayo ng tulong mula sa mga taong hindi naman natin kadugo kaysa sa mga kamag-anak na inaasahan nating susuporta.
Sa kanyang mensahe, sinabi niya:
“Reyalidad sa mundo. Minamaliit ka ng mga kamag-anak mo, pero tinutulungan ka ng mga taong hindi mo naman kaano-ano…”
“Hindi ko sinabi ito para siraan ang pamilya. Ang gusto ko lang ipaalala, huwag tayong mawalan ng pag-asa kung hindi natin makuha ang suporta mula sa inaasahan natin. Minsan, ang mga totoong tao na magmamahal at tutulong sa atin ay ‘yung mga hindi natin kaano-ano.”
Marami ang naka-relate sa kanyang sinabi, lalo na’t totoo ito sa maraming pamilya kung saan imbes na suportahan, madalas pang pintasan o maliitin ang isang miyembro. Ngunit sa kabilang banda, may mga kaibigan, kakilala, o maging estranghero na handang mag-abot ng tulong at magbigay ng respeto.
Ang pahayag na ito ay nagsilbing inspirasyon sa mga netizens, na nagkomento ng kani-kanilang karanasan. May ilan na nagsabi na sila mismo ay nakaranas ng pagiging “black sheep” sa pamilya pero natagpuan ang tunay na suporta mula sa mga taong hindi nila kaano-ano.
Ang sinabi ni Malupiton ay sumasalamin sa katotohanan ng buhay: hindi lahat ng pamilya ay nagiging sandigan, at hindi lahat ng hindi mo kadugo ay mananatiling malayo. Sa halip, may mga tao talagang darating upang punan ang kakulangan na iniwan ng iba. Isa itong paalala na ang tunay na halaga ng pagtulong ay hindi nasusukat sa dugo, kundi sa puso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento