Advertisement

Responsive Advertisement

LOYALTY HANGGANG SA HULI: ASO SA ALBAY BINAWIAN NG BUHAY, HINDI NAKAYANAN ANG PAGKAWALA NG AMO

Miyerkules, Setyembre 10, 2025

 



Nakakadurog ng puso ang kwento ng pitong taong gulang na aspin na si Mitchu mula sa Legazpi City, Albay, na pumanaw matapos ang biglaang pagkawala ng kanyang fur parent na si Tatay Carlos.


"Papa ’di ka pa naililibing, ’yong alaga mong si Mitchu nauna na sa’yo. Dinamdam niya sobra ang pagkawala mo, kaya sumama na rin siya. Sobrang sakit pero ipinakita niya kung gaano siya katapat at ka-loyal sa amo niya." -Janelyn Sanchez


Ayon kay Janelyn Sanchez, anak ng yumaong si Tatay Carlos, labis na dinamdam ng kanilang alaga ang pagpanaw ng kanyang amo. Nakita raw nilang tumamlay si Mitchu matapos itong dumungaw sa kabaong at ilang minuto lamang na tumitig sa labi ng kanyang amo. Simula noon, nawalan na ito ng gana kumain at naging matamlay hanggang sa tuluyan nang pumanaw noong Setyembre 6.


“Papa, ’di ka pa naililibing, ’yong alaga mong si Mitchu nauna na sa’yo. Sobra n’ya din atang dinamdam pagkawala mo, kaya sumama na siya. Napakabait ni Mitchu kagaya mo, Papa,” pahayag ni Sanchez.


Isinagawa ang burol ni Mitchu sa ibaba mismo ng kabaong ng kanyang amo bilang simbolo ng hindi matatawarang pagmamahal at pagkakaibigan. Inilibing siya sa kanilang bakuran, habang nakatakda naman ang libing ni Tatay Carlos sa Setyembre 11.


Ayon sa beterinaryo na si Dr. Riza Zarte, posible talagang makaranas ng separation anxiety at depression ang mga aso kapag namatayan ng amo o napahiwalay sa kanilang pinakamalapit na tao.


“Pag nawala ’yong pinaka-alpha, nawawala din ’yong endorphin at willingness na mabuhay. Hindi kumakain, hindi naglalaro—parang depression din sa tao,” paliwanag niya.


Para sa pamilya Sanchez, si Mitchu ay nagpamalas ng tunay na kahulugan ng pagiging “man’s best friend.”


Ang kwento ni Mitchu ay nagpapatunay na ang aso ay hindi lang alaga kundi tunay na bahagi ng pamilya. Ang kanyang pagpanaw matapos mamatay ang kanyang amo ay isang matinding paalala ng loyalty at unconditional love na tanging mga hayop ang kayang magbigay. Sa kabila ng sakit, naiwan ang alaala na kahit sa huling sandali, pinatunayan ni Mitchu na hindi lamang tao ang marunong magmahal nang tapat at wagas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento