Isang nakakamanghang kwento ng katapatan at kabayanihan ang naganap sa Barangay 27, Bacolod City, kung saan ang isang apat na taong gulang na aso na si Sha ay naging dahilan kung bakit naligtas ang mga residente mula sa isang sunog.
Noong Setyembre 12, 2025, hindi tumigil sa kahol si Sha hanggang sa mapansin ito ng kanyang amo. Sa paglabas ng kanyang amo upang alamin ang nangyayari, nadiskubre niya na may nasusunog na bahay sa kanilang kapitbahay.
“Kung hindi dahil kay Sha, baka may nasaktan o nasawi pa. Sobrang proud ako sa kanya — hindi lang siya alaga, kundi tunay na parte ng pamilya namin.” -Amo ni Sha
Dahil sa maagang babala ni Sha, agad na nakapaghanda ang mga residente, ginising ang mga kapitbahay, at nagtulungan upang hindi na kumalat pa ang apoy.
Hindi lamang simpleng aso si Sha ay patunay na ang kabayanihan ay maaaring manggaling sa kahit anong hugis, laki, o lahi. Maging aspin man o purebred, ang mga aso ay may kakayahang magmahal, magmalasakit, at magligtas ng buhay.
Ang kwento ni Sha ay isang makabagbag-damdaming paalala na kapag minahal natin ang ating mga alaga, ibinabalik nila ito sa paraang higit pa sa ating inaasahan — katapatan at proteksyong walang kapantay.
Ang kwento ni Sha ay isang patunay na ang mga hayop, lalo na ang mga aso, ay may pusong handang magsakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi kailangan ng uniform o medalya upang maging bayani minsan, sapat na ang isang kahol mula sa pusong tapat
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento