Usap-usapan na naman sa social media ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya matapos mag-viral ang clip ng panayam nila kay Julius Babao, kung saan ibinida ni Sarah ang kanilang mamahaling Rolls-Royce Cullinan — ang kauna-unahang SUV ng luxury car brand na may presyong nagsisimula sa US $325,000 o tinatayang ₱19.1 milyon.
Sa nasabing panayam, tinanong ni Julius kung bakit pinili nilang bilhin ang nasabing sasakyan. Diretso namang sagot ni Sarah:
“Kasi ito o, may payong o. Natutuwa ako sa payong. Ayan! Pero hindi ko pinagagamit ang payong na ’to kasi mahal yung payong.”
Ang simpleng rason na ito ay agad naging viral at nagdulot ng sari-saring reaksyon mula sa netizens. May mga natuwa at natawa sa kanyang honesty, pero marami ring kumuwestiyon kung praktikal nga ba ang pagbili ng multi-million luxury car dahil lamang sa kakaibang feature nito, ang built-in umbrella.
Ang Rolls-Royce Cullinan ay tinaguriang pinakamahal na SUV sa mundo, kilala sa kanyang ultimate luxury features mula sa handcrafted interiors, champagne coolers, starlight headliner ceiling, hanggang sa iconic na umbrella compartment na syempre, siyang naging highlight ng sagot ni Sarah.
Ang pahayag ni Sarah Discaya ay muling nagpaingay sa pangalan ng kanilang pamilya at sa lifestyle na hindi maikakaila punô ng karangyaan. Ngunit, kasabay ng kasikatan ay ang kontrobersiya, dahil ang simpleng rason na “natutuwa sa payong” ay nagbukas ng mas malalaking usapin tungkol sa yaman, luho, at pananaw ng publiko sa kanilang pamumuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento