Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang pangalan, mas pinili nina Sarah at Curlee Discaya na ibahagi ang positibong bahagi ng kanilang buhay ang paniniwala nilang ang kanilang mga natatamasang biyaya ay galing sa pagtulong sa iba.
Ayon kay Sarah Discaya, hindi raw kailanman magiging sagabal ang pagtulong sa ibang tao.
“Yun nga, sabi ng husband ko, hindi mo ikahihirap kung tutulong ka sa ibang tao. Parang feeling namin, yung tinutulong namin, yun yung naging blessing na pabalik sa amin. Feeling nga naming mag-asawa na ginawa kaming instrument ni Lord, kasi pati kami nao-overwhelm sa nangyayari sa buhay namin.”
Dagdag pa niya, pakiramdam nila ay tila panaginip lang ang kanilang nararanasan ngayon.
“Never in your wildest dreams na makakaisip na magkakaroon kami ng ganito. Pero yung pagtulong namin sa tao, parang yun yung kung bakit kami, parang nababalikan kami ng more. Parang yun yung feeling namin na good karma.”
Samantala, ipinunto naman ni Curlee Discaya na baka may mas malaking misyon pa sila.
“Actually, parang sa akin, nararamdaman ko, baka, sabi ko, mukhang may pagtawag pa si Lord sa amin. Baka mamaya itong mga bagay na ito ay pinahiram lang ni Lord sa amin para sa isang bagay, para sa next na uri ng pagtulong. Baka mamaya ito ang ginawa Niyang paraan para makatulong kami sa ibang tao na walang-wala.”
Para sa mag-asawa, hindi lamang materyal na bagay ang kanilang tinitingnan bilang tanda ng tagumpay. Naniniwala sila na ang pagiging daluyan ng grasya para sa iba ay mas malaki pa kaysa anumang kayamanan. Sa kanilang paniniwala, ang pagtulong nang taos-puso ay laging bumabalik ng higit pa isang uri ng “good karma” na hindi matutumbasan ng pera.
Ipinakita nina Sarah at Curlee Discaya na sa kabila ng mga pagsubok at batikos, nananatili silang kumakapit sa paniniwalang ang pagtulong sa kapwa ay hindi kailanman ikahihirap, kundi magbubukas pa ng mas maraming biyaya. Para sa kanila, ang mga tinatamasa nilang tagumpay ay hindi lamang bunga ng sipag at tiyaga, kundi ng pagkakaroon ng puso para sa iba at paniniwala na sila ay instrumento ng Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento