Advertisement

Responsive Advertisement

SARAH DISCAYA, IPINALIWANAG KUNG BAKIT SIYA BUMILI NG BENTLEY WORTH P15 MILLION: "KASI MAY WINE GLASS SA LOOB"

Lunes, Agosto 25, 2025

 



Muli na namang naging laman ng usapan si Sarah Discaya, matapos lumabas ang kanyang pahayag tungkol sa pagbili niya ng isang Bentley na nagkakahalaga umano ng ₱15 milyon. Sa kabila ng mga batikos at espekulasyon, ipinagtapat ni Sarah ang totoong dahilan kung bakit niya ito binili.


“We have the Bentley. Ito yung Bentley. Ito binili ko ’to kasi kaya nagustuhan ko ’to kasi may wine glass sa loob, may decanter. Pero hindi naman namin nagagamit… Actually, champagne glass nagkamali ako. Isa sa mga reasons, kapag may kakaiba.” -Sarah Discaya


Ang Bentley purchase na ito ay hindi maihihiwalay sa kontrobersiyang kinahaharap ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya tungkol sa mga flood control projects na pinasok ng kanilang construction companies. Kaya naman, imbes na paghanga, mas naging simbolo ito ng pagiging maluho at malayo sa realidad ng karaniwang tao.


Ang simpleng paliwanag ni Sarah Discaya tungkol sa kanyang pagbili ng Bentley ay nagbukas ng mas maraming tanong kaysa sagot. Para sa ilan, isa itong simbolo ng luho at kapabayaan, habang para sa iba, simpleng karapatan niya bilang maykaya. Ngunit malinaw, ang bawat salitang binibitawan niya ngayon ay masusing binabantayan ng publiko, lalo na’t kasalukuyan pa ring mainit ang mga isyu na kinasasangkutan ng kanilang pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento