Isang nakakagulat na anunsyo ang inilabas ng Malacañang ngayong Martes, Agosto 26, 2025 matapos ipahayag na agad na inalis sa puwesto si PNP Chief Gen. Nicolas Torre III.
“Handa akong sundin ang utos ng Palasyo. Para sa akin, ang mahalaga ay ang maayos na transition at ang pagpapatuloy ng serbisyo ng PNP sa bayan.” -Gen. Nicolas Torre III
Ang kautusan ay nagmula kay Executive Secretary Lucas Bersamin, sa pamamagitan ng isang liham na may petsang Agosto 25, kung saan iniutos niya kay Torre na agad mag-step down at magsagawa ng maayos na turnover.
“For the continuous and efficient delivery of public services in the PNP, you are hereby directed to ensure proper turnover of all matters, documents, and information relative to your office,” saad ni Bersamin.
Naging ika-31 na hepe ng PNP si Torre at ika-apat sa ilalim ng administrasyong Marcos, nang siya’y maupo noong Hunyo 2025. Ngunit, sa kabila ng kanyang panunungkulan na wala pang tatlong buwan, bigla siyang napatalsik sa puwesto.
Ang agarang pagtanggal kay Torre ay nagdulot ng sari-saring reaksyon at haka-haka mula sa publiko. Marami ang nagtatanong kung may kaugnayan ba ito sa mga kasalukuyang isyu ng PNP, mga internal na alitan, o mga bagong direktiba mula sa Palasyo.
Sa kabila ng maikling panunungkulan, naging malaking balita ang biglaang pag-alis ni Gen. Nicolas Torre III sa puwesto. Habang hinihintay pa ang mas malinaw na paliwanag mula sa Malacañang, ang publiko ay nananatiling palaisipan kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang agarang pagtanggal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento