Advertisement

Responsive Advertisement

POKWANG, DINEPENSAAN SI VICE GANDA SA MGA BASHERS: ‘WAG IDAMAY ANG NANAY NI VICE GANDA SA INTRIGA!’

Linggo, Agosto 17, 2025

 



Nagbigay ng matapang na pahayag ang komedyana at aktres na si Pokwang upang ipagtanggol si Vice Ganda at lalo na ang kanyang ina, si Rosario Viceral, na nadadamay ngayon sa kontrobersiya tungkol sa “jetski holiday” joke.


“Kung may na-offend man sa joke ni Vice, e wag naman po idamay ang nanay kasi hindi naman artista o politiko ang kanyang ina. Kaming mga artista at politiko ay tanggap namin na nababash kami kahit minsan masakit, wag naman si Nanay Rosario please.” -Pokwang


Matatandaang ginamit ni Vice ang isyu ng “jetski promise” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang bahagi ng biro sa kanilang “Super Divas” concert kasama si Regine Velasquez. Umani ito ng iba’t ibang reaksyon, lalo na mula sa mga Duterte supporters (DDS) na labis na na-offend sa naturang hirit.


Ngunit hindi lamang si Vice ang binabatikos—maging ang kanyang ina ay kinakaladkad, ginagawang katatawanan at pinipintasan ng ilang netizens. Isang bagay na hindi pinalampas ni Pokwang, na kilala ring malapit na kaibigan ng Unkabogable Star.


Giit ni Pokwang, naiintindihan niya kung mayroong nasaktan sa biro ni Vice, ngunit aniya, hindi tama na idamay ang isang ina na walang kinalaman sa showbiz o politika.


Ayon kay Pokwang:

“Wag naman po tayong ganyan! Kung may na-offend man sa joke ni Vice e wag naman po idamay ang nanay kasi hindi naman artista o politiko ang kanyang ina. Kaming mga artista at politiko ay tanggap namin na nababash kami kahit minsan masakit, wag naman si Nanay Rosario please.”


Pinapaalala ni Pokwang na ang kritika at intriga ay bahagi ng buhay ng artista at politiko, ngunit ang mga simpleng tao na walang kinalaman sa kontrobersiya ay hindi dapat isinasama.


Ang panawagan ni Pokwang ay nagsilbing paalala na dapat manatili ang respeto kahit sa gitna ng intriga at hindi pagkakaunawaan. Maaaring magkaroon ng opinyon at reaksyon ang publiko sa mga biro at pahayag ng mga personalidad, ngunit hindi kailanman dapat idamay ang mga taong walang kinalaman dito. Sa kanyang pagtindig, ipinakita ni Pokwang na ang tunay na kaibigan ay handang ipaglaban ang tama, lalo na sa oras ng pang-aapi.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento