Diretsahang sinabi ni Kabataan Partylist Representative Renee Co na wala siyang nakikitang paglabag na nagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sasapat para bigyang-daan ang impeachment.
Sa gitna ng mga sigaw at panawagang patalsikin ang Pangulo dahil sa bumababang trust rating at kontrobersiyang bumabalot sa administrasyon, mariing tinuligsa ni Co ang ideya na agad agad dapat magbaba ng lider.
“Wala po akong nakikitang paglabag na magbibigay-daan sa impeachment. May tatlong taon pa si Pangulong Marcos para bumawi at patunayan ang kanyang kakayahan. Hindi dapat gamitin ang impeachment bilang sandata ng pulitika.” -Kabataan Partylist Representative Renee Co
Ayon sa kanya, masyadong mabigat na proseso ang impeachment at hindi ito dapat gamitin bilang pampulitikang sandata ng mga grupong hindi sang-ayon sa estilo ng pamumuno ng Pangulo.
Diretsahang sinabi ni Kabataan Partylist Representative Renee Co na wala siyang nakikitang paglabag na nagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sasapat para bigyang-daan ang impeachment. Sa gitna ng mga sigaw at panawagang patalsikin ang Pangulo dahil sa bumababang trust rating at kontrobersiyang bumabalot sa administrasyon, mariing tinuligsa ni Co ang ideya na agad agad dapat magbaba ng lider.
Sa gitna ng ingay at pulitika, nanindigan si Rep. Renee Co na dapat manatili ang bansa sa loob ng tamang proseso. Walang sapat na basehan, wala pang malinaw na ebidensya, at wala pang dahilan upang agad na patalsikin ang Pangulo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento