Tiniyak ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa sambayanang Pilipino na handa, alerto, at naka-deploy 24 oras ang Armed Forces of the Philippines upang tiyaking ligtas ang bansa laban sa anumang tangkang kudeta o destabilization move na maaaring sumubok sa Marcos Administration.
“Siniguro namin sa publiko: handa ang AFP 24/7. Kahit may magtangkang kudeta, hindi namin hahayaang malagay sa panganib ang sambayanang Pilipino. Trained kami to protect Filipino lives, iyon ang mandato namin.” -AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.
Sa gitna ng patuloy na political tension at mga usap-usapan sa social media hinggil sa umano’y plano ng ilang grupo na pabagsakin ang administrasyon, diretsahang sinabi ni Brawner na hindi papayag ang AFP na ilagay sa panganib ang bansa.
Ipinaliwanag ni General Brawner na ang AFP ay hindi lamang basta naka-duty nasa full operational readiness sila, may intel monitoring, rapid deployment teams, at coordination sa PNP at iba pang security agencies.
Ayaw umano nila ng kaguluhan, ngunit handa silang tugonan ito kung kinakailangan. Bagamat hindi direktang pumapanig, malinaw ang mensahe ni Brawner na ang AFP ay nasa likod ng konstitusyon at ng lehitimong Pangulo ng bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento