Advertisement

Responsive Advertisement

"SHE IS WILLING TO COOPERATE, HANDA SIYA DUMALO ICI HEARING" ABOGADO NI USEC. CABRAL NAGSALITA NA, ANGGULONG FOUL PLAY MULING TINITINGNAN

Martes, Enero 6, 2026

 



Muling nabuhayan ang usapin ng foul play sa biglaang pagpanaw ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, matapos ilabas ng kanyang abogado na si Atty. Mae Divingracia ang impormasyon na handa umano ang opisyal na humarap sa ICI hearing noong Disyembre 15, ilang araw bago siya matagpuang wala nang buhay sa Benguet.


“Handa na po si Usec. Cabral na dumalo sa December 15 hearing. She is willing to tell the truth. Kaya mali ang ulat na umiwas siya. ICI mismo ang nagsabing wala silang natanggap na confirmation mula sa kanya pero kami, nagpaabot ng intensyon.” -Atty. Mae Divingracia


Ayon sa abogado ni Cabral, taliwas sa kumalat na balita na sinadya raw ni Cabral na iwasan ang pagdinig, malinaw na nagpaabot ang dating opisyal ng willingness na humarap sa Independent Commission for Infrastructure (ICI). Ito raw ay bahagi ng kanyang intensyon na linisin ang kanyang pangalan at magbigay-linaw sa mga anomalyang iniuugnay sa flood control projects ng DPWH.


Binuksan ng abogado ni Cabral ang panibagong anggulo na ang sinasabing pagliban ng opisyal ay hindi deliberate. Ang pahayag na ito ay nagpapahiwatig na mayroon pang mga detalye sa pagitan ng komunikasyon ng dalawang panig na hindi pa malinaw.


Habang patuloy na lumalalim ang mga tanong sa likod ng pagpanaw ni Usec. Catalina Cabral, ang bagong pahayag mula sa kanyang abogado ay nagbukas ng panibagong direksiyon ng imbestigasyon. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento