Muling binasag ni Executive Secretary Ralph Recto ang panukalang ibaba ang value-added tax (VAT) mula 12% pabalik sa 10%, sa gitna ng panawagan ni Senator Erwin Tulfo na bawasan ang buwis upang makatulong sa inflation at mabagal na paglago ng ekonomiya.
“Hindi pa panahon para bawasan ang VAT. Kahit sa 12 percent, nangungutang pa tayo ng ₱1.6 trillion. Kung ibababa natin, mas malalagay sa alanganin ang finances ng bansa. Bahala na kayo how you interpret that.” -Executive Secretary Ralph Recto
Ayon kay Recto, hindi pa kaya ng bansa ang pagbaba ng VAT dahil malaki ang pangangailangan sa pondo, lalo na at patuloy itong nangungutang ng mahigit ₱1.6 trilyon kada taon.
Sa isang chance interview, diretso at walang paligoy-ligoy na sinabi ni Recto: “Considering that we are still borrowing P1.6 trillion, that should be a factor in determining whether we should reduce it or not. Bahala na kayo how you interpret that.”
Isang malinaw na babala: kung babawasan ang VAT, babagsak lalo ang kakayahan ng pamahalaang magpondo ng serbisyo at proyekto lalo na ngayon na malaki ang deficit.
Ang panukalang ibaba ang VAT ay kaakit-akit para sa konsumer, pero sa mata ni Executive Secretary Ralph Recto, ito ay peligroso at hindi napapanahon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento