Nagpasabog ng mabigat at kontrobersyal na pahayag si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, matapos niyang ihayag sa isang press conference na tiyak umano ang pagkatanggal sa pwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“I am sure, matatanggal si Bongbong Marcos sa lalong madaling panahon. Forty years after Marcos Sr., ngayon naman ang anak, Divine Providence ‘yan. At sa lahat ng nagmamahal sa bayan, samahan ninyo ako sa one-time, big-time rally patungong Malacañang.”
Isang malinaw, at matapang na pahayag na agad nag-udyok ng matinding reaksyon mula sa publiko, kabilang na sa mga kaalyado at kritiko ng administrasyon.
Ipinahayag pa ni Singson na tila hindi aksidente ang mga pangyayari. Ayon sa kanya, hinintay niya ang “Divine Providence”, isang pagkakataon na makikita niyang mauulit ang kasaysayan, eksaktong 40 taon matapos mapatalsik sa puwesto ang dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong People Power Revolution.
Hindi lamang pahayag ang inilabas ni Singson may plano siyang konkretong galaw ang isang “one-time, big-time rally” na target idiretso sa Malacañang.
Sa kanyang panawagan, lalo niyang hinikayat ang mga religious organizations, mga taong nagmamahal sa bayan, at lahat ng tutol sa graft at corruption na makiisa.
Ang pahayag ni Luis “Chavit” Singson ay hindi basta opinyon, ito ay isang matinding hamon at malinaw na deklarasyon laban sa kasalukuyang administrasyon. Habang wala pang konkretong petsa ang kanyang panawagan, ang epekto nito ay agad naramdaman sa pulitika at sa publiko

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento