Nagpasabog ng matapang na panawagan si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson matapos niyang ihayag ang kanyang plano para sa isang “One Time, Big Time Rally” laban sa korapsyon, isang kilos-protestang target umanong dalhin mismo sa Malacañang.
Ayon kay Singson, hindi dapat patagalin ang rally. “It should be ASAP and we will march to Malacañang,” mariing pahayag niya.
Sa isang press conference, sinabi ni Singson na panahon na para harapin at labanan ang “malalang katiwalian” na sumisira sa mga institusyon ng gobyerno. Hindi raw ito simpleng pagtitipon, kundi isang malawakang pag-aaklas ng mamamayan para ipakita ang kolektibong pagtutol sa korapsyon na patuloy umanong nagpapahirap sa bansa.
Wala pa siyang ibinigay na eksaktong petsa, ngunit bukas daw siyang idaos ito ngayong Pebrero, kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, isang simbolikong araw ng pagbangon ng bayan laban sa pang-aabuso at katiwalian.
Ang panawagang inilabas ni Chavit Singson ay malinaw na isang matapang at direktang hamon hindi lang sa gobyerno, kundi sa buong sambayanan, lalo na sa kabataan na siyang hahawak ng kinabukasan ng bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento