Advertisement

Responsive Advertisement

APO NI FORMER PRESIDENT DUTERTE, NILINAW: "WALANG PERSONA NON GRATA KAY VICE GANDA SA DAVAO CITY"

Linggo, Agosto 17, 2025

 



Mariing itinanggi ni Davao City Acting Vice Mayor Rodrigo “Rigo” Duterte II ang mga kumakalat na ulat na idedeklara raw na persona non grata si Vice Ganda sa kanilang lungsod. Ayon kay Rigo, walang resolusyong ipinalabas ang Davao City Council para ipagbawal ang pagpasok ng komedyante sa siyudad.


“Mariin kong itinatanggi na may resolusyon laban kay Vice Ganda dito sa Davao City. Walang persona non grata, walang ban. Fake news ‘yan.” -Rodrigo “Rigo” Duterte II


Ang isyu ay nagsimula matapos ang “Super Divas” concert nina Vice Ganda at Regine Velasquez sa Araneta Coliseum noong Agosto 8, 2025. Sa isang segment, ginamit ni Vice ang kontrobersyal na “jet ski promise” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa West Philippine Sea bilang bahagi ng kanyang comedy skit.


Ang naturang biro ay binase sa viral Jet2holiday meme mula sa isang UK travel operator. Gayunpaman, hindi ito ikinatuwa ng ilang tagasuporta ng dating Pangulo na itinuturing itong pambabastos. Dahil dito, may ilang netizens at Duterte loyalists na nanawagan na ideklarang persona non grata si Vice Ganda sa Davao City at i-boycott ang kanyang mga endorsement.


Ngunit giit ni Rigo Duterte, walang ganitong hakbang na ginagawa ang kanilang pamahalaan. Fake news umano ang kumakalat na balita at naninindigan siyang hindi patas na idamay ang buong lungsod sa isang isyung nag-ugat sa biro.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento