Advertisement

Responsive Advertisement

PAGMAMAHALAN VS IMMIGRATION: KUWENTO NG MAG-ASAWANG FILIPINO AT DANES, UMANI NG PAGHANGA

Miyerkules, Agosto 6, 2025

 



Sa panahon ng social media at long distance relationships, isang kwento ng tunay na pag-ibig ang nagpatunay na hindi hadlang ang distansya, kultura, o batas sa dalawang pusong handang lumaban.


“This is more than our love story. It’s about fighting for what’s right, for family, and for the dignity of women like my wife who only wanted to live in peace, love, and build a future.” -Simon Lysdahlgaard



Ito ang istorya nina Simon Lysdahlgaard, isang Danish national, at ng kanyang asawang Pilipina na si Athina isang kuwento ng pag-ibig na isinulat mismo ni Simon sa kanyang librong “My Wife Is a Filipina.”


Nag-umpisa ang lahat sa online conversations. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa wika, lahi, at bansa, nagkatagpo ang kanilang mga puso. Kalaunan ay nagdesisyon silang magpakasal sa Denmark isang bagong simula sana para sa kanilang bubuuing pamilya.


Dalawang araw matapos ang kasal, kinailangan umalis ni Athina pabalik ng Pilipinas dahil sa mahigpit na immigration rules ng Denmark. Hindi nila inaasahang ganito kabilis silang paghihiwalayin ng batas.


Sa gitna ng kanyang pagdadalang tao, pinilit ng mag-asawa na makahanap ng paraan upang muling magkasama.


Ang kwento nina Simon at Athina ay hindi lang tungkol sa romansa ito ay paglalarawan ng tapang, tiwala, at sakripisyo. Sa mundong puno ng hadlang, diskriminasyon, at batas na minsan ay hindi patas, ang tunay na pag-ibig ay nananatiling matatag.


Hindi lang sila lumaban para sa isa’t isa kundi para sa karapatan ng bawat Pilipina na mahalin at igalang, saan mang panig ng mundo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento