Businesswoman at social media influencer na si Rosmar Tan ay nagpahayag ng pakikiisa at suporta kay Veronica “Kitty” Duterte, bunsong anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte, matapos ma-ban ang TikTok account nito kamakailan.
"Hindi ko kailangang makilala si Kitty nang personal para maunawaan ang sakit ng mawalan ng boses online — lalo na kung personal ang pinagdadaanan. Bilang kapwa babae at content creator, handa akong tumulong. At bilang Pilipino, hindi ko rin kayang manahimik kung alam kong may kabutihang nagawa si Tatay Digong na hindi napapansin ng lahat." - Rosmar Tan
Sa isang viral post, sinabi ni Rosmar na bagama’t hindi niya personal na kilala si Kitty, kinontak na niya ang TikTok team upang subukang ibalik ang account nito.
“Saklap naman banned na TikTok account ni Kitty Duterte. Kahit di kita personally kilala, contact ko ngayon TikTok para maibalik account mo,” ani Rosmar.
“Gagawin ko best ko para maibalik.”
Ipinahayag din ni Rosmar ang paghanga niya sa pagiging masipag ni Kitty Duterte, na aniya’y hindi umaasa sa pangalan ng kanyang pamilya, kundi nagtatrabaho rin para kumita.
“Minsan na din napadaan siya sa TikTok FYP ko. Nakita ko ang sipag — kahit anak ng dating presidente, nagpo-promote pa rin ng products para kumita.”
Bukod sa pagdamay kay Kitty, nagpahayag din si Rosmar ng pagkakawang-gawa at simpatya sa dating pangulo Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nasa The Netherlands upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC).
“Di ko alam bakit awang-awa ako sa ginagawa nila ngayon kay Tatay Digong,” saad ni Rosmar.
“Kahit ako si Kitty, same reaction din masasabi at gagawin ko kung tatay ko na pinag-uusapan tapos gusto pang dalhin kung saan.”
Binanggit din niya na maraming bumabatikos sa dating pangulo dahil sa war on drugs, ngunit ayon sa kanya:
“Everyone is saying he killed thousands, but only few realized that he saved millions!”
Ang suporta ni Rosmar Tan kay Kitty Duterte ay hindi lamang simpleng gesture, kundi isang patunay na may kababaihan sa industriya ng social media na handang tumayo para sa isa’t isa — lalo na sa panahon ng panghuhusga at matinding online scrutiny.
Habang umani ng batikos ang dating pangulo sa pandaigdigang korte, ang mga taong katulad ni Rosmar ay nagbibigay ng ibang perspektibo, nagpapakita ng personal na simpatya at pag-unawa sa pamilya Duterte.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento