Viral ngayon sa social media ang emosyonal at kontrobersyal na video ng isang ginang na kinilalang si Geil Ven, matapos niyang sunugin ang mga graduation pictures, diploma, at awards ng kanyang mga anak. Ayon sa kanya, ginawa niya ito matapos sabihan ng sarili niyang mga anak na siya ay “walang kwentang ina.”
"Hindi ko ginawa ‘to para magpaka-eksena. Ginawa ko ‘to kasi masakit. Lahat ng sakripisyo ko para sa kanila—pag-abroad, pagtaguyod, pag-aruga—walang kwenta pala sa kanila. Tinawag nila akong ‘walang kwenta.’ Kaya ngayon, sinusunog ko na rin ang lahat ng simbolo ng pagkukulang ko, kahit alam kong hindi ako naging perpekto, ginawa ko ang lahat. Sa totoo lang, gusto ko lang maramdaman na bilang ina… may halaga pa rin ako." - Nanay Geil Ven
Sa nasabing video, makikitang may galit at lungkot si Geil habang sinusulog ang mga simbolo ng tagumpay ng kanyang mga anak — mga tagumpay na, ayon sa kanya, ay bunga ng kanyang sakripisyo bilang single mother at OFW.
Sa gitna ng paninikip ng dibdib, inilahad ni Geil ang kanyang sakit:
“Ito yung mga picture ng mga anak ko na walang kwenta. Susunug1n ko lang naman ‘to dahil hindi nila ako ginusto maging nanay.”
Ikinuwento rin niya ang kanyang pagod sa pagtatrabaho sa ibang bansa at pagpapalaki sa apat niyang anak nang mag-isa, simula noong iniwan sila ng kanilang ama.
“Napalaki ko sila kahit walang ama. Six years old pa lang ‘to, iniwan na ng ama nila. Lumaki sa poder ko. Lahat ng hirap ko, ito ang balik.”
Ayon kay Geil, ginawa niya ito hindi para sirain ang alaala, kundi para ilabas ang sakit na naipon sa puso niya matapos siyang pagtulungan at pagsalitaan ng masama ng mismong mga anak niya.
“Wala ako kwentang ina, sabi ng anak ko. Ginawa ko lang ‘to dahil naging proud ako sa kanila noon. Pero hindi ako tinuring na ina sa huli.”
Ang video ni Geil Ven ay masakit, kontrobersyal, at isang realidad na madalas hindi napag-uusapan—ang sakit ng isang magulang na naramdamang iniwan at hindi pinahalagahan ng sariling mga anak. Mula sa sakripisyo, pagmamahal, at taguyod, nauwi ang lahat sa sunog na papel, larawan, at alaala.
Ito ay hindi simpleng drama, kundi isang malalim na sigaw ng isang pusong sugatan. Habang marami ang bumabatikos sa kanyang ginawa, marami rin ang nakarelate at naluha sa kanyang pinagdaanan. Ang isyung ito ay dapat magbukas ng diskurso tungkol sa respeto, komunikasyon, at pagpapahalaga sa pamilya — sa magulang man o anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento