Isang British tourist ang hindi inaasahang pinauwi pabalik ng UK matapos tanggihan ng Dubai immigration dahil umano sa kanyang mga tattoo sa mukha. Si Jordan Howman, 34 anyos, ay dumating sa Dubai noong Hunyo 11 kasama ang kanyang fiancée at anak para sa isang linggong bakasyon sa paborito niyang bansa. Ngunit sa halip na masayang bakasyon, isa itong nakakainis at nakakabiglang karanasan.
"It hurts. Dubai used to be my favorite country. But now, I can’t forget how I was treated just because of my face. They judged me solely based on how I look." -Jordan Howman
Pagdating pa lang sa Dubai International Airport, agad na siyang pinigil at hindi pinayagang makapasok. Kinuha ang kanyang passport at pinaghintay ng anim na oras bago ipasakay pabalik sa UK. Ayon kay Howman, sinabi raw ng isang opisyal sa kanyang fiancée:
“He’s not coming in because of his face tattoos—you’re not coming in because of the way you look.”
Ibig sabihin, ang dahilan umano ng pagkakatanggihan nila ay ang itsura nila—lalo na ang facial tattoos ni Jordan.
May mga disenyo ng tattoo sa kanyang mukha tulad ng mga geometric shapes at salitang “blessed,” “family,” at “crazy life.” Pero giit niya, hindi ito naging isyu sa kanyang mga naunang pagbisita sa UAE.
Hindi biro ang gastos. Umabot umano sa £3,000 (o tinatayang ₱229,500) ang nasayang sa kanilang hindi natuloy na bakasyon. Sa sama ng loob, sinabi ni Howman na:
“I won’t return to Dubai ever again. I felt humiliated for how I look.”
Ang karanasan ni Jordan Howman ay isang malungkot na paalala na hindi lahat ng lugar ay bukas sa iba’t ibang anyo ng pagkatao. Habang tinatanggap ng maraming lipunan ang self-expression sa pamamagitan ng tattoo, may mga lugar pa ring nananatiling konserbatibo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento