Sa gitna ng mga kontrobersiyal na isyu sa bansa, muling nagpakita ng tapang at prinsipyo si Senator Risa Hontiveros. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin niya ang kanyang respeto sa Korte Suprema, ngunit kasabay nito ang kanyang paninindigan na hindi manahimik sa harap ng mga isyung may mabigat na epekto sa bayan.
“I agree and I continue to respect the Supreme Court. Hindi po magbabago iyan. Pero hindi naman po ibig sabihin ng respeto ay pananahimik, lalo na kapag iniisip natin kung gaano kalaki ang nakataya dito.” -Risa Hontiveros
Ang respeto sa institusyon tulad ng Korte Suprema ay mahalaga sa isang demokratikong bansa. Ngunit, sabi nga ni Sen. Hontiveros, ang tunay na respeto ay hindi blangkong pagsunod, kundi ang tapang na magtanong at magsalita kung kinakailangan. Lalo na kung ang mga isyu ay may epekto sa karapatan, kalayaan, o kinabukasan ng mga Pilipino.
Hindi ito pagkontra para lang sa ingay ito ay isang anyo ng mas matinding pagmamahal sa bayan, dahil ipinapakita nito na handa kang tumayo para sa katotohanan kahit gaano pa ito kahirap.
“Hindi ko kinukuwestyon ang legalidad ng proseso. Pero bilang kinatawan ng taumbayan, tungkulin kong maging mapagmatyag at magsalita lalo na kung may panganib na maapektuhan ang demokrasya natin.”
Sa panahon ng kalituhan at pagdududa, ang mga lider na may prinsipyo at paninindigan ang tunay na kailangan ng bayan. Ipinakita ni Senator Risa Hontiveros na ang pagsasalita para sa tama ay hindi kawalan ng respeto bagkus, ito ay pagpapakita ng mas malalim na malasakit sa kapakanan ng mamamayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento