Hindi maitago ni Kapuso actor Alden Richards ang kanyang pagkadismaya matapos madiskubreng wasak ang kanyang high-end bicycle na nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyon hanggang halos isang milyong piso, pagdating niya sa Pilipinas mula sa isang biyahe abroad.
“Hindi ito tungkol sa presyo lang ng bike ito ay tungkol sa responsibilidad. Sana ay may gawin silang hakbang para hindi na maulit sa iba,” dagdag pa ni Alden sa kanyang post. -Alden Richards
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Alden ang larawan ng sirang frame ng kanyang Calnago bike – isang brand na kilala sa buong mundo dahil sa kalidad at presyo nito.
“This is very upsetting! Shoutout to Cathay Pacific for fracturing my bike frame and unloading my bike box and bike rack on my way home to the Philippines. Please do something about this,” ani Alden sa kanyang caption habang naka-tag ang airline.
Ayon sa aktor, maayos ang pag-iimpake ng kanyang bike bago bumiyahe, kaya’t labis siyang nabigla nang makitang may bitak at pinsala ang mamahaling bisikleta na bahagi ng kanyang aktibong lifestyle.
Wala pang pahayag ang Cathay Pacific ukol sa insidente, subalit bumuhos na ang suporta mula sa fans ni Alden at mga kapwa cyclists na humihiling ng aksyon mula sa airline.
Hindi lang simpleng gamit ang nasira—para kay Alden Richards, ang kanyang bisikleta ay bahagi ng kanyang disiplina, fitness routine, at kaligayahan. Sa panahong tulad ngayon na uso ang pag-aalaga sa kalusugan, ang ganitong insidente ay paalala sa mga airline na bigyang halaga ang maingat na paghawak sa mga personal na gamit ng kanilang mga pasahero.
Ang panawagan ng aktor ay hindi lang para sa kanya, kundi para sa lahat ng biyaherong nadidismaya sa kapabayaan ng ilang transport service.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento