Sa mga kalsada ng Binangonan, Rizal, agaw-pansin ang isang lalaking naglalako ng taho habang may buhat-buhat na sanggol sa kanyang likod. Siya si Richard Paclibare, 40-anyos, isang taho vendor na naging simbolo ng tunay na sakripisyo at pagmamahal ng isang ama.
“Hangga’t kaya ko, hindi ko iiwan ang anak ko. Kahit gaano kabigat ang pasan ko araw-araw, gagawin ko para sa kanya.” — Richard Paclibare
Araw-araw, sa init man o ulan, makikita si Richard na dala ang kanyang mabigat na balde ng taho at sabay na binabantayan ang kanyang isang taong gulang na anak. Wala siyang ibang mapag-iiwanan sa bata kaya’t kinailangan niya itong isama sa kanyang paglalako.
“Wala na po kasing ibang tutulong sa amin. Simula po nang iwan kami ng misis ko, kami na lang talaga ng anak ko sa buhay,” pahayag ni Richard habang pinapahigpit ang pagkakayakap ng anak sa kanya.
Hindi naging hadlang ang hirap ng buhay para tumigil siya. Sa halip, mas naging matatag siya. Ayon sa kanya, bawat takbo ng kanyang balde ng taho ay hakbang patungo sa magandang kinabukasan ng kanyang anak.
Hindi lang taho ang dala ni Richard Paclibare sa kanyang paglalako dala niya ang isang malalim na mensahe ng pagmamahal, sakripisyo, at katatagan. Sa kabila ng hirap ng buhay, pinatunayan niyang hindi kailangan ng marangyang buhay para maging dakilang magulang. Minsan, sapat na ang pagmamahal at tapang para itaguyod ang anak, kahit mag-isa lang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento