Advertisement

Responsive Advertisement

P1.7M TALENT FEE ISYU, REGGAE SINGER ELIAS TV KINASUHAN ANG MANAGER

Biyernes, Agosto 8, 2025

 



Mainit na isyu ngayon sa mundo ng musika at social media matapos magsampa ng kaso si Elias J. TV (Elias Lintucan Jr. sa tunay na buhay) laban sa kanyang talent manager na si Beverly Pumicpic Labadlabad.


“Hindi ito laban para sirain ang tao, kundi para ipaglaban ang karapatan ko bilang artist. Gusto ko lang ng patas na trato at malinaw na usapan sa aking kita at trabaho.” -Elias J. TV


Sa petisyon na inihain sa Regional Trial Court ng Kidapawan City nitong Huwebes, kasama ang kanyang banda at abogado, hiniling ni Elias na ideklarang walang bisa ang kontrata sa pagitan nila at pigilan si Labadlabad sa pakikialam sa kanyang mga bookings at raket.


Kasama sa kaso ang hiling para sa Temporary Restraining Order (TRO) at Preliminary Injunction, pati na rin ang paghingi ng accounting, damages, at attorney’s fees.


Ayon sa panig ni Elias, kumukuha siya ng gigs at nagko-collect ng talent fees nang hindi dumadaan sa kanyang manager, matapos umano’y magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Nilagdaan niya ang kontrata kay Labadlabad nitong Abril ngayong taon, ngunit ngayon ay gusto niya na itong ipawalang-bisa.


Sa kabilang banda, mariing itinanggi ni Labadlabad ang mga paratang at naghahanda na umano siya ng counter charges laban kay Elias sa isang korte sa Maynila. Kabilang sa mga isasampa niya ang kasong estafa at breach of contract.


Ayon sa Manager, umabot sa P1.7 milyon ang kabuuang kinita ni Elias na hindi umano na-remit sa management.


“They’ve been directly collecting from clients for two weeks now. Elias hasn’t turned over any of that to the management. That’s not allowed,” aniya.


Dagdag pa niya, kumpleto siya sa resibo at dokumentasyon para patunayan ang kanyang panig.


“I’m calm and relaxed. No anger here. Business is business.”


Ang labanang ito ay higit pa sa usapin ng kontrata ito ay kwento ng tiwala, pera, at propesyonalismo sa entertainment industry. Habang nagpapatuloy ang kaso, malinaw na parehong panig ay may matibay na depensa at dokumento. Sa huli, korte ang magpapasya kung sino ang may karapatan sa kita at kontrol sa bookings ni Elias

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento