Advertisement

Responsive Advertisement

WALANG SINGIL, WALANG PAMUMULITIKA: RAMON ANG, HANDANG SOLUSYUNAN ANG BAHA SA METRO MANILA NG LIBRE

Biyernes, Agosto 8, 2025

 



Sa isang joint press conference kasama si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, inihayag ni San Miguel Corporation (SMC) president at CEO Ramon S. Ang ang kanyang kahandaan na ayusin ang problema sa pagbaha sa Metro Manila nang libre.


“Hindi ito tungkol sa negosyo. Ito ay tungkol sa malasakit sa tao. Kung kaya kong tulungan ang buong Metro Manila para matapos ang problema sa baha, gagawin ko—nang libre, para sa bayan.” - Ramon Ang


Ayon kay Ang, handa siyang maglinis ng mga daluyan ng tubig at magpatayo ng kapalit na pasilidad para sa mga istrukturang humaharang sa natural na agos ng mga ilog at daluyan.


“Ako po, San Miguel, Ramon Ang, nagbo-volunteer ako ngayon. Ako na ang tutulong sa buong Metro Manila ma-solve ang baha, at no cost to the people, at no cost to the government,” pahayag niya.


Dagdag pa ni Ang, handa rin siyang bumili ng lupa para sa relocation sites at magtayo ng mga bagong eskwelahan at pabahay para sa mga maaapektuhan ng proyekto.


“Kahit ‘yung eskwela, bibili na ako ng lupa; magtatayo ako ng kapalit na eskwela. At ‘yung housing, bibili na rin ako ng lupa para tayuan ng pabahay ang mga tao, para lang alisin natin ‘yung mga pabahay at eskwela sa ibabaw ng ilog,” ani Ang.


Ang alok na ito ay kasunod ng mga batikos sa SMC kaugnay ng pagbaha sa ilang lugar na malapit sa kanilang mga proyekto gaya ng MRT Line 7 at Skyway.

Mariing itinanggi ni Ang ang alegasyon at sinabi na pinalitan pa nga nila ang mga drainage lines sa mga apektadong lugar.


“Kasalanan ba namin ‘yun? Hindi. Wala nang turuan. Pinalitan namin lahat ng kanal. Kami ang gumawa noon,” giit niya.


Ayon sa SMC MRT-7 Project Management Office, ang kanilang mga pasilidad ay nasa labas ng drainage lines at sumusunod sa approved engineering plans, kaya hindi sila ang sanhi ng pagbaha.


Ang alok ni Ramon Ang ay hindi lamang simpleng proyekto—ito ay isang pagpapakita ng pribadong sektor na handang tumulong nang walang kapalit. Sa isang problemang dekada nang nagpapahirap sa mga taga-Metro Manila, mahalagang makita ang pagkilos mula sa iba’t ibang sektor.


Kung maisasakatuparan ito, maaaring maging game-changer ang inisyatibo ni Ang sa urban planning at flood control ng bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento