Advertisement

Responsive Advertisement

CLAUDINE BARRETTO, PERSONAL NA NAGHATID NG TULONG AT NGITI SA MGA NASUNUGAN SA TONDO

Biyernes, Agosto 8, 2025

 



Muling pinatunayan ni Claudine Barretto ang kanyang malasakit sa kapwa nang personal niyang dalhin ang tulong sa mga biktima ng kamakailang sunog sa Barangay 93, Tondo, Manila.


“Hindi madali ang mawalan ng tahanan, pero gusto kong ipaalam sa kanila na hindi sila nag-iisa. Kahit sa maliit na paraan, gusto kong magdala ng pag-asa at ngiti sa gitna ng pagsubok.” -Claudine Barretto


Sa isang video na ibinahagi sa Instagram, makikitang abala ang aktres sa pamamahagi ng pagkain mula sa isang fast-food chain at sako-sakong bigas kasama ang mga opisyal ng barangay. Hindi lamang siya basta nagbigay ng tulong nakisalamuha rin siya sa mga residente, nagbigay ng mga ngiti, at nakipag-selfie sa kanila.


Ayon sa Bureau of Fire Protection, ang sunog ay umabot sa third alarm at nag-iwan ng higit 200 residente na nawalan ng tirahan. Tinatayang nasa ₱100,000 ang pinsala sa ari-arian. Mabuti na lamang, walang naiulat na nasaktan o nasawi.


Para sa mga residente, hindi lang materyal na tulong ang mahalaga kundi ang presensya ng mga taong handang magpaabot ng pag-asa at malasakit.


Ang ginawa ni Claudine Barretto ay patunay na ang tunay na tulong ay hindi lang sa materyal na bagay, kundi pati sa pagbibigay ng oras at presensya para sa mga nangangailangan. Sa gitna ng trahedya, ang simpleng ngiti at pakikipagkamustahan ay nagdadala ng lakas ng loob para muling bumangon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento