Muling umani ng atensyon ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap matapos niyang patutsadahan si Senator Risa Hontiveros ngayon naman, tungkol sa buhok ng senadora.
Sa kanyang unang Facebook post, nagbiro si Yap tungkol sa “patay na buhok” ni Risa Hontiveros:
“Isang mensahe ng pakikiramay sa lahat ng mga naulila ng mga patay na buhok ni Risa Hontiveros.”
Sa pinakabagong update, sinabayan ni Yap ng “beauty advice” ang kanyang banat. Pinayuhan niya si Hontiveros na pumunta sa isang salon sa Cainta, Rizal para subukan ang “Super Keracolor” treatment ng Salon 360 International, isang kumbinasyon ng Premium Brazilian Keratin at Premium Hair Color na naka-promo sa halagang ₱1,999.
“Mam Risa, habang nagsasaulo po kayo ng mga ipinapabasa sa inyo ng staff mo, try nyo ito, sa Cainta lang sila,” sabi ni Yap.
Hindi doon natapos ang kanyang post. Nagbigay pa siya ng paliwanag tungkol sa kahalagahan ng keratin sa buhok:
“Ang ating buhok ay binubuo ng isang protina na tinatawag na keratin. Pinoprotektahan nito ang ating buhok mula sa mga panlabas na salik at nagbibigay ng makintab at malusog na kinang.”
Dagdag pa niya, dahil sa polusyon at regular na paggamit ng hair styling tools, nababawasan ang natural na keratin sa buhok, kaya’t ito ay nagiging kulot, tuyo, at walang buhay. Aniya, ang keratin treatment ay nagbabalik ng protina sa buhok para maging mas maganda at makinis.
Mula sa pulitika hanggang sa personal na anyo, ang banter sa pagitan ng mga personalidad tulad nina Darryl Yap at Risa Hontiveros ay patuloy na umaani ng atensyon sa social media. Habang para sa ilan ito ay simpleng biro, para sa iba, ito ay hindi na kinakailangang isyu at mas mabuting pag-usapan ang mas mahahalagang bagay sa bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento