Advertisement

Responsive Advertisement

NAKAKAANTIG: MAY-ARI HANDA MAGBAYAD PARA MAILIGTAS ANG ASONG TINAMAAN NG DENGUE: "PARANG-AWA NIYO NA PO, MAGBABAYAD AKO KAHIT MAGKANO"

Huwebes, Agosto 28, 2025

 



Isang nakakalungkot na balita mula sa General Santos City ang umantig sa puso ng mga pet lovers at animal advocates. Isang aso na lahi Chow-Chow ang kasalukuyang lumalaban sa sakit na dengue at nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo upang mailigtas ang kanyang buhay.


“Sana po matulungan niyo si Chow-Chow. Hindi lang po tao ang nadadale ng dengue, pati mga alagang hayop natin. Kaya nananawagan ako sa mga may asong pwedeng maging donor kayo po ang makapagliligtas sa buhay niya.” -Amo ng aso


Ayon kay Moma Reny-Ann, isang animal welfare advocate, bigla na lamang nawala sa paningin niya ang aso ng kanyang kapitbahay na dati’y dumadaan sa kanilang bahay araw-araw. Doon niya nalaman na ito pala ay tinamaan ng dengue at bumagsak nang husto ang platelets.


Sa kanyang Facebook post, nanawagan siya ng tulong:

“Pls. tulungan nyu po ako kailangan masalinan ng dugo si chow chow today sobrang baba na po ng platelets niya nagka dengue po siya, kapitbahay ko po may-ari kaya pala hindi ko na siya nakita dumaan sa bahay namin everyday.”


Dagdag pa niya, handang magbayad ang may-ari ng aso para lamang magkaroon ng donor:

“Willing to pay po ang owner sa dog donor para lang po ma-save si Chow-Chow.”


Ayon sa mga beterinaryo, hindi lang tao ang maaaring dapuan ng dengue. Kahit mga aso ay pwedeng tamaan ng sakit na ito. Kabilang sa mga sintomas na dapat bantayan ay ang panghihina, kawalan ng gana sa pagkain, nosebleed, at pagdurugo ng gilagid. Dahil dito, mahalaga ang maagap na gamutan at pakikipag-ugnayan sa mga beterinaryo upang masagip ang buhay ng alagang hayop.


Ang kaso ng aso sa General Santos ay nagsisilbing paalala na ang dengue ay hindi lang banta sa tao kundi pati na rin sa ating mga alagang hayop. Sa gitna ng panganib, lumalabas ang malasakit at bayanihan ng mga Pilipino na tumutulong hindi lamang sa kapwa tao kundi pati sa mga hayop na itinuturing na miyembro ng pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento