Advertisement

Responsive Advertisement

MATINDING PASYA! DAVAO CITY, KUMILOS LABAN KAY VICE GANDA MATAPOS ANG KONTROBERSYAL NA PAHAYAG

Lunes, Agosto 11, 2025

 



Lumabas na ang pormal na resolusyon mula sa Sangguniang Panlungsod ng Davao City na nagdedeklara kay Jose Marie Viceral, kilala bilang Vice Ganda, bilang Persona Non Grata sa lungsod. Ang hakbang na ito ay bunsod ng kontrobersyal na biro at pambabatikos ni Vice Ganda sa kanyang performance sa “Super Divas” concert kasama sina Regine Velasquez at iba pang performers noong Agosto 8 at 9, 2025 sa Smart Araneta Coliseum.


“Bilang isang taga-Davao na lubos na nirerespeto si Tatay Digong, hindi ko matatanggap ang pambabastos na ginawa ni Vice Ganda. Para sa amin, hindi lang siya dating presidente kundi simbolo ng aming dangal at pagmamahal sa bayan" - Davaoeño 


Ang biro niya tungkol sa jetski ay hindi nakakatuwa ito ay insulto sa aming lider at sa mga Davaoeño. Kung talagang may respeto siya, dapat alam niya ang limitasyon ng pagpapatawa. Hindi lahat ng bagay pwedeng gawing katatawanan, lalo na kung damdamin at dangal ng tao ang pinapatamaan.”


Ayon sa resolusyon, kabilang sa mga ikinagalit ng mga Davaoeño ang pagtukoy ni Vice Ganda sa dating pangulo at alkalde ng lungsod, Rodrigo Roa Duterte, at ang pagbibiro ukol sa kanyang “jetski” statement hinggil sa West Philippine Sea. Binanggit din ang ginawang panggagaya ni Lassy Marquez na lalo umanong nagpalala ng insulto sa mga taga-Davao at sa kanilang lider.


Nakasaad pa sa dokumento na si Duterte ay tinitingala ng marami bilang hindi lamang politikal na pinuno, kundi bilang simbolo ng proteksyon at moral na kaligtasan. Bunsod nito, nanawagan ang mga residente na i-boycott ang mga produktong ineendorso ni Vice Ganda gaya ng McDonald’s, CDO Young Pork Tocino, Belo Essentials, at Game Zone.


Ang deklarasyon ng Persona Non Grata ay nangangahulugang hindi kanais-nais sa lungsod si Vice Ganda at hinihimok ang lahat ng sektor na iwasan ang anumang suporta o pakikipag-ugnayan sa kanya, lalo na sa aspeto ng komersyal at promosyonal na gawain.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento