Advertisement

Responsive Advertisement

MATINDING BABALA KONTRA SA DRUGA: PNP CHIEF TORRE: "LAHAT NG ADIK PANGIT!"

Lunes, Agosto 18, 2025

 



Mariing binalaan ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ang publiko, lalo na ang mga kabataan, laban sa paggamit ng “tuklaw” o black cigarettes, isang ipinagbabawal na sigarilyo na may halong synthetic cannabinoids na maaaring magdulot ng matinding pinsala sa kalusugan.


"Walang magandang idudulot ang droga. Hindi pa ako nakakita ng adik na gumanda o gumwapo lahat sila pumapangit at sinisira ang sarili. Kaya huwag na huwag ninyong subukan ang tuklaw at iba pang ipinagbabawal na gamot." – PNP Chief Gen. Nicolas Torre III


Ayon kay Torre, wala raw magandang idudulot ang paggamit ng droga. “Walang mabuting idudulot sa inyo ‘yan. Ang bottomline lang diyan, wala pa akong nakitang adik na maganda at gwapo… lahat ng adik pangit,” aniya. Binigyang-diin pa ng heneral na ang paggamit ng mga ganitong kemikal ay nagdudulot ng mabilis na pagkasira ng katawan, isipan, at kinabukasan ng kabataan.


Kamakailan, nag-viral ang mga video ng ilang kabataan sa Puerto Princesa City na nangingisay sa kalsada matapos umanong gumamit ng “tuklaw.”


Noong Miyerkules, nakapagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa Puerto Princesa kung saan limang estudyante, edad 19 hanggang 25, ang naaresto. Narekober mula sa kanila ang synthetic cannabinoids at marijuana. Nakatakdang sampahan ng kaso ang mga suspek sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.


Batay sa imbestigasyon, binebenta ang “tuklaw” online sa halagang ₱300 kada milliliter. Kasalukuyan ding sinusuri ng mga imbestigador ang mga posibleng ruta ng ilegal na pagpasok ng naturang substance sa bansa.


Ang paglaganap ng “tuklaw” o black cigarettes ay seryosong banta hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa kinabukasan ng mga kabataang Pilipino. Ang matapang na pahayag ni Gen. Nicolas Torre III ay nagsisilbing wake-up call para sa lahat na walang magandang kahihinatnan ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Sa halip na sayangin ang buhay sa bisyo, mas mainam na ituon ang oras at lakas sa edukasyon, pamilya, at pangarap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento