Muling pinag-usapan ng publiko ang isang lumang panayam ni showbiz insider at vlogger na si Ogie Diaz sa beteranang broadcast journalist na si Karen Davila. Sa nasabing interview, diretsahan tinanong ni Ogie kung naranasan na ba ni Karen na masuhulan sa haba ng kanyang karera sa industriya ng broadcasting.
“Ayoko babuyin ‘yung propesyon ko. Masakit man ang mga bintang, pero alam ng Diyos at alam ng mga kasamahan ko na nanindigan ako sa tama. Walang halaga ang reputasyon na mabibili ng pera.” -Karen Davila
Mariin ang naging tugon ng respetadong mamamahayag:
“Absolutely… I have never taken a single centavo in my life. Because I felt ayoko babuyin 'yung propesyon ko. Hindi rin naman ako rerespetuhin ng ganito kung kakalat rin eh.”
Dagdag pa niya, batid niya ang mga batikos at pambabash na natatanggap niya, ngunit aniya, walang makakapagsabing siya ay nabayaran para baluktutin ang kanyang trabaho. “Masakit ‘yun kasi you’ve made such an effort na hindi gawin ‘yun tapos ‘yun pa ang ititira sa’yo. But what’s important is, the Lord knows, my bosses know, at ang mga kasamahan ko sa ABS.”
Ibinahagi rin ni Karen na hindi lingid sa kanya ang ilang pagtatangkang suhulan siya. May pagkakataon pa raw na inalok siya ng isang negosyante mula sa oil industry na “name your price kada-buwan” kapalit ng paborableng pagbabalita. Ngunit mariin niyang tinanggihan ito:
“Karen, no one will ever know,” daw ang sabi sa kanya. Ngunit sagot niya: “But, I will know. It’s not true that no one ever knows. People will always know.”
Ang paninindigan ni Karen Davila ay nagpapaalala na sa likod ng glamour at pressure ng media industry, may mga iilang nananatiling matatag sa prinsipyo ng katotohanan. Ang kanyang pagtanggi sa suhol ay hindi lamang simpleng desisyon, kundi isang malinaw na mensahe na ang integridad ay higit pa sa anumang halaga ng pera.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento