Nag-viral kamakailan ang isang Facebook post mula sa fan page ni Josh Mojica na nagsasabing: “21 years old bilyonaryo na ikaw?” Dahil dito, umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens at ilang personalidad sa social media. May ilan pang nag-ugnay sa pangalan niya sa usapin ng pagbabayad ng buwis at ipinakalat ang haka-hakang siya mismo ang nag-claim na isa na siyang bilyonaryo.
“I have never claimed to be a billionaire. Pangarap pa lang ‘yon at proud ako na marami ring kabataan ang na-inspire. Huwag tayong magpakalat ng fake news. Mas pinipili kong magtrabaho ng tama, legal, at transparent para sa growth ng negosyo ko.” -Josh Mojica
Sa isang video na in-upload niya mismo sa kanyang official Facebook page, itinanggi ng content creator at CEO na siya ay bilyonaryo. Nilinaw niyang hindi sa kanya ang naturang post kundi mula lamang sa isang fan page na kanyang shinare dahil natuwa siya sa comments section.
“Recently, may nag-viral na Josh Mojica fan page, not even my Facebook account na nagsabing ‘21 years old bilyonaryo na ikaw?’ I shared it kasi natuwa ako sa comments. Kasi honestly, ‘yun talaga ang pangarap ko: to become a billionaire one day. And I am proud na marami ring kabataan ang na-inspire doon. Kaya hindi po ‘yun pagyayabang.”
Dagdag pa niya, may ilang personalidad ang agad naniwala at nagpakalat ng maling impormasyon, kaya’t lumabas na tila siya mismo ang nag-claim. Mayroon pang mga nagsabing dapat siyang imbestigahan ng mga ahensya ng gobyerno.
“Una sa lahat, let’s be clear: I have never claimed to be a billionaire. Maliit pa po tayo masyado para doon. Pangalawa, I have always been diligent and compliant in running my business. Everything I do is legal, transparent, and focused on growth.”
Ang isyu ay patunay kung gaano kabilis kumalat ang maling impormasyon sa social media. Sa kabila nito, pinanatili ni Josh Mojica ang pagiging bukas at malinaw sa kanyang pahayag. Ang kanyang paninindigan ay nagbibigay inspirasyon na ang pangarap ay hindi dapat ikahiya, at ang tagumpay ay dapat abutin sa tamang paraan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento