Nanawagan si House Deputy Minority Leader at Akbayan Rep. Perci Cendaña sa gobyerno na pabilisin ang proseso ng extradition ni Pastor Apollo Quiboloy patungo sa Estados Unidos, kung saan nahaharap ito sa mabibigat na kaso gaya ng human trafficking, sexual exploitation, at pang-aabuso ng menor de edad.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Cendaña na hindi dapat magtagal ang pagproseso ng extradition request ng U.S. Department of Justice. Aniya, ang patuloy na pananatili ni Quiboloy sa bansa ay naglalagay sa panganib sa mga testigo at nagpapahirap sa pag-usad ng mga kaso.
“Quiboloy must be made to answer the serious charges of human trafficking, sexual exploitation, and abuse of minors. These heinous crimes are not mere acts of misconduct, they expose the breadth of Quiboloy’s power and influence, which he continues to wield even today.” – Cendaña
“I fully support his urgent extradition to the United States so that justice may finally prevail. No man, not even one claiming to be a son of God, is above the law — especially not one accused of such monstrous crimes against children and humanity.”
Binanggit ni Cendaña na kahit nakakulong, malaki pa rin ang impluwensiya ni Quiboloy sa ilang sektor ng gobyerno at politika. Aniya, matagal nang ginamit ni Quiboloy ang kanyang koneksiyon upang patahimikin ang mga biktima at saksihan.
“His inordinate access and influence within our country’s political establishment undermine investigations and endanger witnesses. For years, he concealed his crimes by silencing and intimidating victims.” – Cendaña
Malinaw ang posisyon ni Rep. Perci Cendaña: hindi maaaring manatiling ligtas si Quiboloy sa loob ng bansa habang libo-libong biktima ang naghahanap ng hustisya. Ang agarang extradition ay makakapagbigay daan upang harapin niya ang mga kaso laban sa kanya at magpatuloy ang laban para sa katotohanan at katarungan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento