Isang nakakagulat na insidente ang naganap sa isang paaralan sa Thailand matapos suntukin ng isang Grade 11 student ang kanyang guro dahil lamang sa hindi pagbibigay ng perfect score sa midterm exam.
Ayon sa CCTV footage sa loob ng classroom noong Agosto 5, tumanggap ng 18/20 score ang estudyante. Hindi ito natuwa at tinanong ang guro kung bakit hindi siya binigyan ng perfect score kahit tama ang kanyang mga sagot. Sa ngayon, nasuspinde na ang Grade 11 student habang iniimbestigahan pa ang kaso.
“As a teacher, it is my duty to be fair and follow the standards. What happened was painful not only physically but also emotionally. I hope this serves as a lesson that respect and discipline are just as important as high grades.” -Guro
Ipinaliwanag ng guro na kailangan din ng computation o solution sa bawat sagot at iyon ang kulang sa kanyang papel. Binigyan pa niya ng payo ang estudyante na kumunsulta sa ibang guro para mas maliwanagan.
Lumapit nga ang estudyante sa ibang faculty members, at nakuha rin niya ang parehong paliwanag na hindi maaaring ibigay ang perfect score kung hindi kumpleto ang requirements.
Pagbalik ng estudyante sa classroom, hiningi niyang taasan ang kanyang score. Ngunit nang tumanggi ang guro, bigla itong nagalit at sinuntok ang guro sa mukha sa harap ng kanyang mga kaklase.
Hindi lang dito nagtapos ang gulo. Ayon sa ulat, pinalo pa ng upuan ng estudyante ang kanyang guro, dahilan para magtamo ito ng pasa sa kaliwang mata, pamamaga sa ulo, at pinsala sa tadyang.
Ang pangyayaring ito ay nagsisilbing babala sa kahalagahan ng disiplina at respeto sa paaralan. Hindi dapat maging dahilan ang pagkadismaya sa marka upang gumawa ng karahasan. Ang edukasyon ay dapat magsilbing daan para sa paghubog ng tamang asal, hindi sa paggawa ng gulo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento