Isang masakit na karanasan ang ibinahagi ng content creator na si Awit Gamer matapos siyang mabiktima ng tinatawag na “joy miners” mga taong uma-order online ngunit wala talagang balak bayaran o i-claim ang produkto.
“Cancelled na naman po. Grabe na kayo sa aken. Wag naman po sana kayo ganito sa aken. Ginagawa ko po lahat para lumaban nang patas. Hindi biro ang ganito, kasi hindi lang pera ang nasasayang kundi pati pagod at oras ko. Sana po matuto tayong respetuhin ang pinaghirapan ng iba. Lumalaban lang po ako nang patas.”
Sa kanyang Facebook post, ipinakita ni Awit Gamer ang ilang mga balik na parcel na puno ng bote ng bagoong.
Matapos maging viral noon dahil sa pagkakalugi niya ng milyon sa casino, sinubukan ni Awit Gamer na magsimula muli sa pamamagitan ng pagbebenta ng sariling bagoong. Ngunit imbes na maging tuloy-tuloy ang kanyang hanapbuhay, mas lalo pang nadagdagan ang pasanin dahil sa paulit-ulit na pagkansela ng mga bogus buyers.
Sa mundo ng online selling, malaking dagok ang mga ganitong insidente lalo na’t hindi lamang oras kundi pera at pagod ang nasasayang. Bukod sa kapital na nagamit, dagdag pa ang shipping fees at effort na nauuwi lang sa wala.
Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Awit Gamer. May ilan na nagalit sa mga “joy miners” at nanawagan na tigilan na ang ganitong gawain. Ang iba nama’y hinimok si Awit na magpatuloy at humanap ng mas ligtas na platform para sa kanyang negosyo, gaya ng requiring downpayment bago ipadala ang produkto.
Ang kaso ni Awit Gamer ay sumasalamin sa matinding hamon na kinakaharap ng mga maliliit na negosyante sa online selling. Habang ang iba’y nakikita ang internet bilang oportunidad, para sa ilan gaya niya ay nagiging dahilan ito ng panibagong pagkatalo. Ngunit sa kabila ng lahat, pinipili pa rin niyang lumaban at ipagpatuloy ang kanyang hanapbuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento