Advertisement

Responsive Advertisement

BONG GO, ITINANGGI ANG AKUSASYON NA NAKINABANG ANG KANYANG PAMILYA SA GOBYERNO: "NI PISO, HINDI NAKINABANG ANG AKING PAMILYA SA PAGIGING TAONG GOBYERNO KO"

Biyernes, Agosto 22, 2025

 




Matapos umingay ang ulat na ang CLTG Builders, kumpanyang pag-aari umano ng pamilya ni Senator Christopher “Bong” Go, ay isa sa mga nangungunang kontratista ng mga proyekto ng gobyerno sa Davao City, agad itong itinanggi ng senador. Giit niya, ni minsan ay hindi nakialam ang kanyang pamilya para makinabang mula sa kanyang posisyon sa pamahalaan.


“Kahit sino ang tanungin ninyo, mula pa noong sa Davao City pa lang ako nagtatrabaho hanggang ngayon, hindi nakakalapit ang mga kamag-anak ko sa akin kahit sarili kong tatay at half-brother, para ilakad ang anumang kontrata sa gobyerno. Nag-warning na ako noon: ang sinumang gagamit sa pangalan ko, consider it denied na,” mariing pahayag ni Go.


Binigyang-diin din niya na ang negosyo ng kanyang pamilya ay matagal nang itinatag bago pa siya pumasok sa politika.


“Uulitin ko ang sinabi ko noon: for the record, wala pa ako sa mundong ito ay meron ng lehitimo at maayos na negosyo ang aking pamilya. Pero ni minsan, ni piso, hindi nakinabang ang aking pamilya sa pagiging taong gobyerno ko,” dagdag pa ng senador.


Tinawag ni Go na “recycled at malicious” ang mga panibagong akusasyon na inuugnay siya sa umano’y pabor sa kanyang pamilya. Dagdag pa niya, malinis ang kanyang konsensya at palagi niyang pinanghahawakan ang delicadeza bilang isang lingkod-bayan.


“Malinis ang konsensya ko because I observe delicadeza noon pa man hanggang sa ngayon. Para sa isang simpleng probinsyanong katulad ko, iniingatan ko talaga ang pangalan ko,” aniya.


Muli na namang nasangkot si Bong Go sa kontrobersiya ukol sa mga kontratang hawak ng kanyang pamilya, ngunit mariin niya itong pinabulaanan. Ayon sa senador, ang integridad at pangalan ang tanging yaman niya bilang isang lingkod-bayan, at hindi niya ito kailanman sisirain.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento