Advertisement

Responsive Advertisement

ASONG INILAGAY SA REFRIGERATOR, ANIMAL PROTECTION GROUP UMALMA: "ANIMAL ABUSE ITO!"

Lunes, Agosto 4, 2025

 



Kumalat sa social media ang litrato ng isang maliit na aso na nasa loob ng refrigerator sa isang pizza restaurant sa South Korea, dahilan para madami ang mag-akala na ito ay isang kaso ng animal abuse. Ngunit ayon sa may-ari ng aso, hindi kalupitan kundi pagmamahal ang nagtulak sa kanya sa desisyong iyon.


Ayon sa ulat ng pulisya sa Busan Jungbu Police Station, may natanggap silang reklamo noong Hulyo 29, bandang 8:10 ng gabi, na may asong inilagay umano sa isang glass-door fridge sa loob ng isang lokal na kainan. Agad na nag-imbestiga ang mga awtoridad.


“Nagka-problema ang aircon sa restaurant. Mainit na mainit sa loob. Sabi ng beterinaryo, delikado ang sobrang init para sa aso ko dahil may sakit ito sa puso. Kaya naglagay ako ng unan sa fridge at pinaupo siya sandali,” pahayag ng may-ari.


Matapos siyasatin ang lugar, nakita ng mga pulis na hindi naman sobrang lamig ang temperatura sa loob ng fridge. Gayunpaman, iniimbestigahan pa rin kung lumabag ang may-ari sa Animal Protection Act ng South Korea.


“Hindi ko siya kayang pabayaan. Anak ko si Cookie. Kung kailangan kong gumawa ng kakaiba para lang hindi siya mainitan at atakihin, gagawin ko. Sana maintindihan ng lahat wala akong balak saktan siya, gusto ko lang siyang mabuhay.”


Ayon sa may-ari ng aso na nasa edad 60 at siyang may-ari rin ng naturang restaurant, inilagay niya ang kanyang 11 taong gulang na Maltese na si Cookie sa refrigerator hindi para pahirapan, kundi para maprotektahan mula sa matinding init na maaaring ikamatay nito.


Dagdag pa niya, "Anak na ang turing ko kay Cookie." Humingi rin siya ng paumanhin dahil kasama sa fridge ang mga sarsa na ginagamit sa pagkain ng mga customer.


Ayon sa mga eksperto, ang mga maliit na aso tulad ng Maltese ay madaling mainitan dahil sa kanilang makakapal na balahibo, na nagtratrapping ng init sa katawan. Kapag napabayaan, maaari itong magdulot ng heat stroke o iba pang seryosong kondisyon sa kalusugan.


Sa panahong mabilis ang paghusga, mahalagang alamin muna natin ang buong istorya bago tayo magbigay ng konklusyon. Ang kwento ni Cookie, ang Maltese na inakalang biktima ng pagmamalupit, ay isa palang simbolo ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang “anak.” 


Sa gitna ng init at panganib, mas pinili ng kanyang may-ari na gumawa ng paraan kahit kakaiba para lang mailigtas siya. Minsan, ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa kung ano ang “normal,” kundi sa kung paano natin pinipiling alagaan ang mahal natin sa buhay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento