Advertisement

Responsive Advertisement

"NASUSUNOG NA ANG SASAKYAN, PERO WALA PA RING TUMULONG!" – HINAGPIS NG ISANG CAR OWNER SA GITNA NG KAWALAN NG PAKIALAM

Lunes, Agosto 4, 2025

 



Isang nakakabiglang pangyayari ang naganap sa kahabaan ng Zapote Road noong Hulyo 31, 2025, kung saan isang kotse ang nilamon ng apoy, at ang mas masakit pa raw para sa may-ari, walang ni isa ang tumulong sa kanya.


“Car ko po ‘yan. Wala man lang tumulong to extinguish the fire. All of them holding their phone, filming my car burned. Nagmamakaawa ako sa kanila help me pero walang tumulong,” ani Micko sa kanyang viral post.


“Naging priority pa nila ang cellphone kaysa buhay at ari-arian ng kapwa. Nakakalungkot na ganito na ang ugali ng ilan,” komento ng isang concerned netizen.


Ang insidente ay inilahad ng car owner na si Micko Juuichi sa isang viral Facebook post, kung saan emosyonal niyang ibinahagi ang kanyang pagkadismaya. Habang unti-unting nasusunog ang kanyang sasakyan, siya raw ay nagmamakaawa sa mga tao sa paligid para sa tulong kahit na tubig, fire extinguisher, o kahit tawag lang sa bombero.


“Hindi ko na mababalik ang kotse ko, pero mas masakit sa akin ‘yung pakiramdam na parang wala akong kasama. Kahit isang tawag man lang sana sa fire station, o kahit isang galon ng tubig. Hindi po lahat ng viral ay nakakatawa minsan, may nasasaktan din.”


Ang insidente ay nangyari pa mismo sa harap ng isang mataong jeepney terminal, isang lugar na karaniwang matao at malapit dapat sa tulong. Kaya’t lalong nakakabigla na wala ni isang tao ang lumapit o kumilos.


Sa mga kuha ng social media, makikita raw ang ilang tao na nagsisigawan, pero walang konkretong aksyon na ginawa upang pigilan ang sunog o kahit man lang tulungan ang may-ari sa gitna ng kanyang pag-panic.


Sa gitna ng teknolohiya at social media, tila mas pinipili na ng ilan ang “content” kaysa compassion. Ang karanasang ito ni Micko ay isang malungkot na paalala na dapat nating balikan ang ating pagkatao bilang mga Pilipino ang pagiging matulungin, malasakitin, at mabilis tumugon sa nangangailangan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento