Advertisement

Responsive Advertisement

EJ GOMEZ: MULA RED CARPET HANGGANG SUNOG — ISANG TUNAY NA HALIGI NG SERBISYO PUBLIKO

Lunes, Agosto 4, 2025

 



Kahanga-hanga ang ipinakitang dedikasyon ni EJ Gomez, senior news correspondent ng GMA-7, matapos siyang direktang sumabak sa coverage ng sunog ilang oras lang matapos dumalo sa GMA Gala 2025. Ang glam na make-up mula sa gala ay kapansin-pansing intact pa rin habang siya’y nag-uulat sa gitna ng nasusunog na lugar sa Caloocan City.


“Sanay tayong naka-field gear, pero minsan kahit naka-gown or make-up, trabaho pa rin ang uunahin. Hindi porket galing ka sa event, exempted ka na sa tungkulin mo. Serbisyo muna.” -EJ Gomez


Sa kanyang Facebook post ngayong umaga, August 3, 2025, ibinahagi ni EJ ang video ng kanyang on-site coverage. Sa caption, pabirong sinabi niya: “From GMA Gala to sunog real quick.”


Ayon sa kanya, “Ang daming nasunugan. Less than a week ago, nagkasunog din po sa lugar na ito. Tinitingnang sanhi ay ang mga ilegal na kuryente sa lugar.”


Hindi maitatanggi ang lalim ng kanyang dedikasyon sa trabaho. Bagamat galing sa isang engrandeng gabi, hindi siya nagdalawang-isip na humarap muli sa tungkulin para maghatid ng balita.


Ang kanyang quick shift mula red carpet patungong sunog site ay umani ng papuri mula sa netizens. 


Sa panahon kung kailan maraming nahuhumaling sa porma at social media clout, ipinakita ni EJ Gomez na hindi hadlang ang glamor kung tunay kang alagad ng balita. Ang kanyang kabayanihan sa simpleng pagseserbisyo, kahit sa pinaka-di inaasahang oras, ay isang paalala sa lahat na ang tunay na ganda ay makikita sa puso ng isang taong handang tumulong kahit kailan, kahit saan. Saludo kami sa'yo, EJ!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento