Advertisement

Responsive Advertisement

AMA LABIS ANG HINAGPIS: GRADE 7 STUDENT PUMANAW MATAPOS MABAGSAKAN NG DEBRIS: "SORRY SA LAHAT NG PAGKUKULANG KO BILANG ISANG TATAY"

Miyerkules, Agosto 27, 2025

 




Isang nakakalungkot na balita ang yumanig sa Quezon City matapos pumanaw ang estudyanteng si Carl Jayden “CJ” Baldonado, isa sa tatlong mag-aaral na nasaktan nang mabagsakan ng debris mula sa isang condominium sa kahabaan ng Tomas Morato.


Kinumpirma ng kanyang ama na si Jason Agna Baldonado ang balita sa pamamagitan ng isang emosyonal na Facebook post na nagbigay ng sulyap sa sakit at bigat ng pinagdaraanan ng kanilang pamilya.


Sa kanyang post, buong pusong nagpaalam si Jason sa anak:


“Kuya CJ Carl Jayden Baldonado sorry sa lahat ng pagkukulang ko bilang isang tatay. Pinakamasakit bilang isang magulang ang maghatid ng anak sa hukay… tapos na din ang paghihirap mo kuya CJ binigyan mo kami ng magandang laban.”


Dagdag pa niya, malaking biyaya ang binigay ng Panginoon na nabigyan pa sila ng pagkakataon na makasama si CJ at makapagpaalam:


“Pinagbigyan kami ng Panginoon ng 2nd chance na makasama ka para makapag paalam… alam ko narinig mo kami sa panahong lumuluha ka pag kausap ka namin. Wag mo kami pabayaan kuya.”


Sa huli, nangako siyang patuloy na aalagaan ang naiwan nitong pamilya.


“Pangako ko sayo hindi ko sila pababayaan mga kapatid mo pati si mama… manatiling masaya kuya salamat sa lahat. I love u sobra!!”


Ang biglaang pagpanaw ni CJ Baldonado ay nagsilbing masakit na paalala ng kahalagahan ng kaligtasan at pananagutan sa mga gusaling itinayo sa lungsod. Para sa kanyang pamilya, ito’y hindi lamang aksidente, kundi isang sugat na matagal bago maghilom. Gayunpaman, sa kanilang mensahe, dama ang pagmamahal, pananampalataya, at pangakong magpapatuloy sa buhay para sa kanya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento