Matapang na ipinagtanggol ni Senator Robin Padilla ang resolusyon na kanyang isinulong kasama sina Senators Bong Go at Ronald “Bato” Dela Rosa na layuning pabalikin sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa pagkakadetine sa The Hague, Netherlands.
“Hindi ito para sa akin, hindi ito para sa Senado, ito ay para sa kapakanan ng bawat Pilipino. Wala na tayong ibang dapat gawin kundi magkaisa. Kung may pagkakamali man noon, pag-usapan natin bilang isang bansa, hindi sa pamamagitan ng paninira.” -Senator Robin Padilla
Ayon kay Padilla, malinaw ang layunin ng resolusyon—hindi ito para sa personal na kapakanan o pulitika kundi para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.
“Kapakanan ng inangbayan ang intensyon ng resolusyon sa pagpapauwi kay Tatay Digong. Hindi pulitika!” saad ni Padilla sa kanyang Facebook post.
“Tanging reconciliation lamang ang daan para umasenso ang Pilipinas, hindi ang nakaugalian ninyong paninira! Style n’yo bulok,” dagdag pa niya.
Hindi lahat ay pabor sa hakbang na ito. Kabilang sa mga tumutol si Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila de Lima na nagsabing wala nang kapangyarihan ang Pilipinas na iuwi si Duterte dahil siya ay nasa ilalim na ng International Criminal Court (ICC).
“Sa tingin ko, political posturing na lang ‘yan kasi wala na ho sa kapangyarihan ng gobyerno natin na pabalikin siya,” ayon kay De Lima.
Ang isinusulong na resolusyon ni Senator Robin Padilla ay nagpapakita ng mas malalim na tanong:
Hanggang saan ang saklaw ng gobyerno pagdating sa mga lider na nahaharap sa internasyonal na kaso?
Bagama't may mga kontra, malinaw na ang layunin ni Padilla ay para sa pagkakaisa. Sa dulo, ang mahalaga raw ay makamtan ng bansa ang tunay na reconciliation—hindi lamang sa papel, kundi sa puso ng bawat Pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento