Sa gitna ng kontrobersiyang kinasangkutan niya kamakailan, nagsalita na si AGAP Partylist Representative Nicanor Briones kaugnay sa kumalat na video kung saan umano’y nahuli siyang nanonood ng online sabong habang nasa sesyon ng Kongreso.
Ayon sa kanyang pahayag, hindi niya alam kung sino ang kumuha ng video o kung ano ang motibo ng taong gumawa ng naturang “fake news.” Aniya, maaring sinadyang palabasin na siya ay walang pakialam sa mga nangyayari sa loob ng Kongreso, ngunit mariin niyang itinanggi ang paratang.
“Kung sinuman ang gumawa sa akin noon, sinong nag-video, gumawa ng fake news na ako’y nanonood o nago-online sabong, hindi ko alam ang iyong motibo. Pero tapos na ito. Pinaliwanag ko lang ‘yung parte ko. Kung anuman ang motibo mo, pinatatawad na kita. Ang akin lang, ‘wag mo na uulitin kasi baka sa susunod, makulong ka na,” — Rep. Nicanor Briones
Makikita sa kanyang pahayag ang sinseridad ng isang taong piniling magpatawad, ngunit may babala ring handang ipaglaban ang kanyang dignidad. Sa halip na magpakalat ng galit, mas pinili ni Briones ang magbigay ng paalala para hindi na maulit ang ganitong klase ng paninirang-puri.
Sa panahon ng social media kung saan madaling gumawa at magpakalat ng pekeng impormasyon, mahalagang manindigan sa katotohanan. Ang ginawa ni Rep. Nicanor Briones ay isang paalala sa publiko na kahit nasa posisyon, may karapatan din siyang ipagtanggol ang kanyang pangalan. Sa kabila ng paninira, mas pinili niyang magpatawad, isang katangiang bihira sa politika.
Ngunit sa dulo, malinaw ang kanyang mensahe: “May hangganan ang lahat, at may pananagutan ang sinumang lumalabag sa respeto at dignidad ng kapwa.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento