Advertisement

Responsive Advertisement

"PROTEKTADO KO KAYO" PRESIDENT MARCOS, TINIYAK SA MGA MAGSASAKA: HINDI BABABA ANG PRESYO NG PALAY

Martes, Hulyo 1, 2025

 



Nagbigay ng panibagong pag-asa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga magsasaka matapos niyang tiyakin na hindi bababaan ang kasalukuyang buying price ng palay ng National Food Authority (NFA), kahit na ilulunsad na ang ₱20/kilo rice program para sa mga nangangailangan.


“Hindi natin pwedeng pabayaan ang mga magsasaka. Sila ang puso ng agrikultura natin. Kaya’t sisiguraduhin natin na sapat ang kita nila, at hindi bababa ang presyo ng kanilang ani.” -Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Sa isang dayalogo kasama ang mga Gawad Saka awardees sa Nueva Ecija, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng mga magsasaka sa bansa at tiniyak na mananatiling prayoridad ang kanilang kita.


“Kahit ano pa ang presyo ng bigas sa merkado, mananatili ang buying price ng NFA sa palay. Hindi natin ito ibababa,” ayon kay Pangulong Marcos.


Ipinahayag niya na ang kasalukuyang presyo ng ₱19 hanggang ₱23 kada kilo para sa dry palay at ₱18 kada kilo para sa wet palay ay hindi gagalawin upang masigurong may disenteng kita ang mga magsasaka.


Kaugnay nito, ipinagpatuloy din ng gobyerno ang pangakong ₱20/kilo na bigas para sa mga low-income households, senior citizens, solo parents, at persons with disabilities na bahagi ng social welfare program ng kanyang administrasyon.


Bukod sa palay price, inanunsyo rin ng Pangulo ang ilang hakbang upang maibsan ang gastos sa pagsasaka:


Department of Agriculture (DA) ang mangunguna sa bulk procurement ng abono at pestisidyo para makatipid ang mga magsasaka.


Pagpapakalat ng mga mobile soil laboratories para mas maging epektibo ang paggamit ng abono at tumaas ang ani.


“Ang layunin natin ay simple masigurong sapat ang kita ng mga magsasaka para makapagpakain ng pamilya at mapag-aral ang mga anak,” dagdag ni Pangulong Marcos.


Sa gitna ng isinusulong na murang bigas para sa mahihirap, malinaw ang mensahe ni Pangulong Marcos: hindi kailangang isakripisyo ang kita ng mga magsasaka.


Sa halip, pinapalakas pa lalo ang suporta sa kanila mula sa presyo ng palay, abono, pestisidyo, hanggang sa makabagong teknolohiya gaya ng mobile soil labs. Ang mga hakbang na ito ay hindi lang tugon sa krisis, kundi pangmatagalang solusyon upang masigurong mabubuhay at uunlad ang sektor ng agrikultura.


Sa kanyang mga aksyon, ipinapakita ni PBBM na kayang isabay ang pagtulong sa mahihirap at pagpapalakas sa mga magsasaka dahil walang tunay na food security kung hindi rin secured ang mga nagpapakain sa atin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento