Sa panahon kung saan madalas sinusukat ang tagumpay sa dami ng handa, venue ng graduation, o kung sino ang dumalo, isang dalaga mula Misamis Oriental ang nagpapatunay na ang tunay na halaga ng tagumpay ay nasa puso at pagkilala sa sakripisyo ng magulang.
"Hindi ko ikinahihiya na dito ako lumaki. Ang mahalaga, ipinagmamalaki ko ang aking mga magulang at ang kanilang pagsusumikap. Kung wala sila, wala rin ako rito ngayon." -Shaina
Si Shaina Cabasa Ramirez, isang K12 graduate, ay hindi nakaranas ng engrandeng selebrasyon matapos ang kanyang graduation. Hindi rin siya sinalubong ng magarbong bouquet o banner. Pero sa halip, siya mismo ang pumunta sa lugar kung saan nagtatrabaho ang kanyang ama na isang magsasaka, dala ang kanyang diploma at ngiti ng pasasalamat.
"Pa, thankful japon ko maski way handa, importante buhi."
"Dili nako ikaulaw nga dinhi ta nabuhi." – Shaina
Ibinahagi ni Shaina na hindi siya kailanman nahiya sa estado ng kanyang pamilya. Sa halip, ipinagmamalaki niya ang pagiging anak ng isang masipag at marangal na magsasaka. Sabi pa nga niya sa isang post, "Gi apas rako ni," sabay tawa at yakap sa kanyang ama.
Ang eksenang ito ay umantig sa puso ng maraming netizen sa social media, na ngayon ay nagsusulong na mabigyan siya ng scholarship para sa kolehiyo. Ayon kay Shaina, pangarap niyang makatapos ng kolehiyo para mas maiahon ang pamilya niya sa hirap at makapagbalik ng kabutihan sa kanyang mga magulang.
Hindi nasusukat sa pera, handa, o engrandeng selebrasyon ang tunay na tagumpay. Ang kwento ni Shaina Cabasa Ramirez ay paalala sa ating lahat na ang pagmamahal sa magulang at pagkilala sa kanilang sakripisyo ay isa sa pinakamagandang regalong maibibigay natin sa kanila.
Sana'y maging daan ang kanyang kwento upang mas maraming kabataan ang magpursige, magpakumbaba, at patuloy na mangarap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento