Naglabas ng desisyon ang Korte Suprema (SC) na idineklarang walang bisa at labag sa Konstitusyon ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Sa botong 13-0, nagkaisa ang mga mahistrado na ang impeachment complaint ay hindi maaaring ituloy dahil ito ay labag sa one-year rule na nakasaad sa Article XI Section 3 paragraph 5 ng Saligang Batas.
“The Articles of Impeachment, besides being barred, are also constitutionally infirm and therefore null and void ab initio. Respondent Senate, therefore, did not acquire jurisdiction over the impeachment proceedings.” -Korte Suprema
Ayon sa inilabas na desisyon, lumabag ang Articles of Impeachment sa karapatan ng due process sapagkat hindi nabigyan si VP Duterte ng pagkakataong maipahayag ang kanyang panig.
“The Articles of Impeachment violated due process of law, as the draft and accompanying evidence were not made available to the respondent, thereby denying her the opportunity to be heard by the members of the House of Representatives.”
Dagdag pa rito, binigyang-diin ng SC na ang impeachment ay “null and void ab initio” o walang bisa mula sa simula, dahil hindi nito sinunod ang mga legal na proseso.
Sa isang press briefing, sinabi ni Ting na hindi nito ibig sabihin na absuelto na si VP Sara Duterte sa mga akusasyon.
“However, the Court said it is not absolving Vice President Duterte from any of the charges against her. But any subsequent impeachment complaint may only be filed starting February 6, 2026.”
Ipinaliwanag din ng SC na ang one-year ban ay binibilang mula sa petsa kung kailan ang unang impeachment complaint ay itinuturing nang terminated o dismissed. Sa kasong ito, ang unang tatlong impeachment complaints ay itinuring na dismissed noong Pebrero 5, 2025, kasabay ng pag-endorso ng ikaapat na reklamo ng House of Representatives.
Ang desisyon ng Korte Suprema ay nagbigay-linaw na ang impeachment proceedings laban kay VP Sara Duterte ay hindi lamang labag sa Konstitusyon, kundi kulang din sa tamang proseso. Gayunpaman, malinaw din ang pahayag ng SC na hindi pa tapos ang laban, dahil maaari pa ring magsampa ng bagong impeachment complaint simula Pebrero 6, 2026.
Para sa publiko, ang desisyong ito ay paalala na ang bawat hakbang sa pamahalaan ay dapat naaayon sa batas at patas sa proseso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento