Advertisement

Responsive Advertisement

HARRY ROQUE, KANSELADO NA ANG PASAPORTE? DOJ, GUMAGAWA NA NG HAKBANG

Martes, Mayo 27, 2025


 

Nahaharap ngayon sa seryosong legal na problema si dating presidential spokesperson Harry Roque, matapos kumpirmahin ng Department of Justice (DOJ) na humihiling ito sa pagkansela ng kanyang pasaporte kasunod ng kasong qualified human trafficking kaugnay ng operasyon ng Lucky South 99 POGO hub sa Porac, Pampanga.


"Wala akong kinalaman sa anumang human trafficking. Ako ay isang abogado, hindi operator. Ang mga paratang na ito ay malinaw na bahagi ng pagsisikap na patahimikin ako dahil sa aking pagtuligsa sa kasalukuyang administrasyon. Paninindigan ko ang katotohanan—at ang karapatan kong ipagtanggol ang sarili." - Harry Roque


Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kung mabigo ang asylum application ni Roque sa Netherlands, maaari itong ma-deport pabalik ng Pilipinas, kung saan siya ay may aktibong arrest warrant at kakaharapin ang mga nonbailable na kaso.


Matatandaang nireyd ng mga awtoridad ang Lucky South 99 hub noong nakaraang taon, matapos makarating ang ulat ng torture, human trafficking, at online scam operations. Sa imbestigasyon, lumabas na mahigit 40 katao ang sangkot, kabilang si Harry Roque.


Bagama’t itinanggi ni Roque ang direktang koneksyon sa hub at iginiit na isa lamang siyang abogado ng kumpanyang Whirlwind, nanindigan ang DOJ na iisa lang ang operasyon ng Whirlwind at Lucky South 99. Giit pa ng DOJ, mismong si Roque ang nag-lobby para sa gaming license ng nasabing hub.


Nag-file na ng motion for reconsideration si Roque, tinawag niyang “premature” ang passport cancellation at iginiit na wala raw ebidensyang tumuturo sa kanyang direktang pagkakasangkot sa human trafficking.


Ayon sa kanya, ang lahat ng ito ay “politically motivated” at bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Marcos na patahimikin siya bilang kritiko.


Ngunit giit ni Remulla, matibay ang posisyon ng Netherlands laban sa human trafficking, kaya’t malaki ang posibilidad na ma-deny ang asylum ni Roque at tuluyang maipadeport pabalik ng bansa.


Ang kinahaharap ngayon ni Harry Roque ay isa sa pinakamatinding legal na pagsubok sa kanyang karera. Mula sa pagiging tagapagsalita ng dating Pangulo, ngayon ay pumapasok siya sa international spotlight bilang isang personalidad na posibleng ideport dahil sa mabigat na kaso.


Habang iginiit niya na pampulitika ang motibo ng mga paratang, malinaw na seryoso ang pananaw ng DOJ sa umano'y papel niya sa mga iligal na aktibidad ng Lucky South 99.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento